Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Eric Quizon, nilinaw ang proseso ng pagpili ng recipient ng Dolphy Comedy King Award

by PEP Troika
May 8, 2018

GORGY RULA: Nakatanggap ng tawag ang PEP Troika mula sa actor-director Eric Quizon para ipaliwanag kung paano napili ang recipient ng Dolphy Comedy King Award.


Una, nilinaw niyang ang award na ibibigay kay Vice Ganda ay hindi isang Lifetime Achievement Award kundi isang citation na igagawad sa isang komedyante na tinagurian ng FAMAS na Dolphy Comedy King Award.

Continue reading below ↓

Ayon kay Eric, tinawagan siya ng taga-FAMAS para sabihing mamamahagi sila ng special award na Dolphy Comedy King Award.

Sabi raw ni Eric, ayusin lang ang proseso na kailangang mag-research at idaan sa survey.

Dagdag niyang pahayag, “Sabi ko sa kanila, pagkatapos ng research saka ng survey… who seems to be deserving, I would give my recommendation.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Ganun yun. Ganun yung process namin.

"Research, yung survey, yun ang in-abide ko.

"Kaya lang, based on the survey, wala talagang lumabas kundi si Vice lang.”

Wala raw ibinigay na talaan ng mga pangalan ng mga komedyante dahil kung mayroong ibibigay na listahang pagpipilian, parang contest na raw ito.

“I don’t want to have... na magkaroon ng issue na pinagpilian, e. Ayoko ng ganun.

"As what I said, it’s not a contest.

"It’s a citation. It’s a recognition.

“We are recognizing the works of comedians based on current work,”  saad ni Direk Erik.

Continue reading below ↓

Base sa paliwanag ng actor-director, nahinuha naming ito ay isang popularity award, at hindi isang lifetime achievement award na igagawad sa komedyanteng may malaking naiambag sa movie industry.

JERRY OLEA: Nag-PM kami sa presidente ng FAMAS na si Francia C. Conrado kaugnay sa usaping ito.

Pahayag ni Ma’am Francia, “The Dolphy King of Comedy award is a special award. It is given to whoever the Quizon family feels most deserve it.

“Their criteria and discretion are completely upon them.”

Sa totoo lang, dapat magpasalamat ang pamunuan ng FAMAS kay Vice Ganda.

Pinag-uusapan ang 66th FAMAS Awards dahil sa hanash ni Vice!

Sumagi tuloy sa amin... panahon na ba para kilalanin si Dolphy bilang National Artist?

NOEL FERRER: So, at least, we are clarified that it is based on a survey done by the FAMAS members, amongst who, the ones who did the survey are accountable.

Parang Social Weather Station nga, na ang sagot ay depende kung ano ang tanong at intensiyon.

Continue reading below ↓

Whatever the intention, maganda ang nasabi ni Eric Quizon na imbes na Dolphy King Of Comedy Award, next year, may lifetime contribution to the industry ang magiging award na in honor of Tito Dolphy.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results