Rufa Mae Quinto, nalaman na ang purpose sa buhay pagdating ng kanyang anak

by PEP Troika
May 9, 2018

JERRY OLEA: Masaya at kuntento si Rufa Mae Quinto habang karga-karga ang one-year-old daughter na si Athena Alexandria Magallanes nang makita namin sa pasilyo ng ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC, nitong Mayo 8, Martes ng gabi.



Kumusta ang pagiging Kapamilya?

“Masayang-masaya ako!” maigting na bulalas ni Rufa Mae, na kasali sa weekly sitcom na Home Sweetie Home.

Continue reading below ↓

“Siyempre, bago. Parang brand new lahat. I’m a new person! Ha! Ha! Ha! Ha!

“The very best of me! Now is the time!”

Happy Mother’s Day!

“Ang feeling ko... feel na feel! Wow!” sambit ni Rufa Mae saka pinupog ng halik ang pisngi ni Baby Alexandria.

“Naku! Napakasarap talaga!”

Enjoy siya sa pagiging nanay?

“Super!” mabilis na tugon ng comedienne. “Ang sarap-sarap pala na hindi mo ma-explain.

“Kahit ‘yung sarili ko, ‘di ko ma-explain.”

Gusto niya ng another baby?

“Opo! Susundan pa. Isa pa. Mga next year.”

Pinapahirapan ba siya ng kanyang panganay?

“Hindi naman. Mabait naman. O, tingnan mo, hindi siya sick...”

Nang sabihan ni Rufa Mae ang anak na, “Kiss mo sila!” ay nag-flying kiss ito.

Patuloy na chika ni Rufa Mae, “Ang sarap-sarap pala! Kaya ngayon, OK na ako uli. I’m back! Kasi, noon, para akong na-burn out.

“Na parang... ano ba itong buhay ko, puro kaharap ko na lang... ano ba talagang purpose ko?!

Continue reading below ↓

“Ngayon, may purpose na.”

Nasaan nga pala ang dyowa niya?

“Nasa US. Pabalik na next week,” sagot ni Rufa Mae.

NOEL FERRER: Motherhood becomes Rufa Mae Quinto.

I’ve seen her in her new show at nakapag guest na siya sa ASAP at ibang talk shows, it seems that she has mellowed.

I’m sure nagiging batayan na ang magiging reaksiyon ng anak niya kapag nagkamalay na¯sa kanyang mga ginagawa at gagawin pa.

Pichi, Pichi, paano nga ba ang maging isang ina?

GORGY RULA: Ang maganda kay Rufa Mae, nakakapag-adjust siya at alam niya kung saan niya ilulugar ang sarili.

Tanggap naman niyang mag-support muna siya at hindi na kagaya ng dati na siya ang nagdadala ng isang show.

Nakikita nga ang pag-mellow niya at marunong siyang mag-adjust sa mga eksena dahil alam naman niya sigurong iba na ang style ng pagpapatawa ngayon. Hindi na yung dati niyang patawa na bentang-benta nung panahon niya.

Continue reading below ↓

Malaki talaga ang nagagawa ng baby para sa pagbabago niya.

Tamang-tama lang na next year na niya sundan ang panganay nila ni Trevor Magallanes.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results