Gary Valenciano, bawal pang magsayaw at tumawa

GORGY RULA: Halos limang buwan palang hindi puwedeng sumayaw si Gary Valenciano.

Kuwento ni Paolo Valenciano, panganay nina Gary at Angeli, mabilis ang recovery ng kanyang ama mula sa open heart surgery nito.

Pero kailangan pa nitong magpahinga nang mabuti.


Nakakatayo na raw si Mr. Pure Energy,at kahapon nga ay nakakalakad na ito, pero marami pa raw itong hindi puwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pa sa hindi puwedeng gawin ni Gary ay tumawa.

“Sabi ng doctors, laughing is not the best thing for him right now.

"So, we’re trying to keep Gab away from him. Kasi Gab always makes him laugh," napapangiting kuwento ni Paolo.

Ang tantiya raw ng doktor, kapag makalabas na si Gary ng hospital, at least isang buwan ay puwede na itong kumanta.

Ang bawal pa raw talaga ay sumayaw.

Sabi pa ni Paolo, “Pag naka-recover na siya, he will be able to dance again.

“The doctors said, after about four months, if everything goes according to plan, he might be stronger like he was before.”

Gustung-gusto na raw sana ni Gary na magtrabaho, pero hindi pa talaga puwede at kailangang magpagaling nang mabuti.

“Iniisip na niya yung ASAP. Iniisip na niya yung Your Face Sounds Familiar.

"Pero we’re telling him to relax first. Take it easy. Rest,” dagdag na pahayag ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Gusto nating tumagal pa ang buhay ni Mr. Pure Energy, kaya inaasam nating sundin niya ang mga tagubilin ng doktor.

Hindi mawawala ang pagmamahal natin kay Gary V, at maiintindihan natin kung magpapahinga muna siya.

NOEL FERRER: Actually, after sana ng corporate show ni Gary bukas, May 11, plano niyang sorpresahin ang singing partner niya noong ‘80s na si Zsa Zsa Padilla sa anniversary show nito sa Resorts World Manila.

Pero siyempre, kailangan niyang magpahinga at magpagaling na lang.

Joke nga, since nasa show naman si Karylle (na anak ni Zsa Zsa) at direktor naman si Paolo (na anak ni Gary V), puwede sila na lang ang kumanta ng “Could We” na hit duet nina Gary at Zsa Zsa noong ‘80s.

Oh well, maraming ibang sorpresa ang naghihintay sa manonood ng espesyal na concert ng Divine Diva bukas.

At kaisa tayo ng buong industriya sa pagdadasal sa mabilis na paggaling ni Gary Valenciano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close