Judy Ann Santos, sinorpresa ng nakatampuhang kaibigan na si Direk Dante Nico Garcia

by PEP Troika
May 11, 2018

NOEL FERRER: Success ang ginawang birthday surprise led by Ryan Agoncillo sa kanyang asawang si Judy Ann Santos kagabi, May 10.

Ngayong araw, May 11, ang 40th birthday ni Juday!


Dahil na-preempt ang unang plano na dinner sa Mecha Uma (paboritong lugar ng mag-asawa) at ginawa ito ni Juday kay Ryan noong kanyang nakaraang birthday, yung parte na yun na organized dinner ang alam lang ni Juday na treat sa kanya.

Continue reading below ↓

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang Team Santos-Agoncillo; kasama sina Direk Joyce Bernal, Alden Richards, Iza Calzado at Ben Wintle, Paul Cabral, Juan Sarte, Jing Monis, Biboy Arboleda, Direk Erick Salud, at ang aming staff.


Judy Ann with Alden Richards and Joyce Bernal


Continue reading below ↓

Judy Ann and Ryan with Iza Calzado and Ben Wintle

Ang naging pinaka-surprise sa Mecha Uma—at ikinaluha ni Juday—ay ang pagdating ng matalik na kaibigan niyang si Dante Nico Garcia.


Judy Ann and Ryan with director Dante Nico Garcia

Nakatampuhan at matagal na hindi nakita ni Juday si Dante, direktor niya sa Ploning, dahil based na ito sa Palawan.

Continue reading below ↓

Kakuntsaba ni Ryan si Dante sa gimik na ito.

At since galing ang direktor sa Palawan, kailangang kunin ang bag niya sa kanto hanggang it led to the nearby bar sa BGC na Bank Bar... doon na nasorpresa si Juday.

JERRY OLEA: Parang kailan lang na "Morena Martir" ang peg ni Juday.

Pero dahil sa kabutihang-loob niya bilang anak, kapatid, kaibigan, asawa, ina, katrabaho, kasamahan sa industriya... bumubuhos ang mga biyaya sa buhay niya.

Sa kanyang mga ngiti, halatang lasap na lasap niya ang ligaya!

Nawa'y lalo kang pagpalain ng Panginoon, Gng. Judy Ann Santos-Agoncillo!


Continue reading below ↓


NOEL FERRER: Ang highlight naman sa Bank Bar celebration ay ang pagdating doon ng pamilya ni Juday, led by Mommy Carol Santos, Jeffrey and Jackie; ang mga kaibigan niya sa industriya; Deo Endrinal at Dreamscape group; Fr. Tito Caluag, Malou Choa-Fagar, Rajo Laurel, at Raymund Isaac; ang riding group nina Ryan at mga asawa nito kasama sina Jericho Rosales, Oddysey Flores, at sina Paolo Abrera at Suzie Abrera; 'tapos may Angelica Panganiban at Sarah Geronimo pa na naki-jam kay Juday sa mga kanta ng Aegis.


Continue reading below ↓

Ang sabi ni Ryan, "Honey, Bubba, if you didn't date me in the '90s, I want to bring the '90s to you!!!"

Kaya hayun! Aegis, and at the strike of 12 midnight, enter si Ely Buendia na ikinaiyak at tuwa ni Juday nang todo!!!

GORGY RULA: Masayang kaarawan, Judy Ann Santos-Agoncillo!

Nakaka-touch ang message ni Mommy Carol sa kanya.

Nasaksihan ko rin kasi kung gaano kabuting anak si Juday.

Nakasama ako noon sa isang personal appearance ng Mara Clara out of town, at kasama rin doon si Mommy Carol.

Sikat na nun si Judy Ann, pero hindi niya talaga pinagbubuhat ng maleta ang Mommy Carol niya.

Siya talaga ang nagbibitbit kahit marami ang humaharang na fans na gustong magpa-picture sa kanya.

Dito sa birthday party ni Jud Aann ang first public appearance ni Sarah Geronimo pagkagaling nya sa concert series niya sa Amerika? Ka-join din doon si Matteo Guidicelli.

Sana maging huwaran sina Ryan at Judy Ann sa relasyon nina Matteo at Sarah.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nandun si Matteo! Ang sweet nila ni Sarah, Boss Jerry!!! Abangan nila 'yan mamaya!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results