YES! MAGAZINE

SUBSCRIBE

Actor-businessman, nakipaghiwalay na sa singer-actor

JERRY OLEA: Akala mo lang, merong forever... pero wala! Wala! Wala!

Single na naman ang status ng pogilicious singer-actor.

Tapos na ang maliligayang araw at gabi nila ng yayamaning actor-businessman.

Napalapit na ang kalooban ng dakilang singer-actor sa mga kaibigan at kapamilya ni actor-businessman, at marami-rami ang nanalig na soulmates sila.

Kaso, napagtanto ni actor-businessman na hindi si singer-actor ang itinakda para sa kanya kaya nakipaghiwalay siya rito.

Abangan natin ang pag-awit ni singer-actor ng "Some Good Things Never Last."

NOEL FERRER: Sa malaking umpukan kagabi, pinag-usapan kung paanong ang mabait na actor-businessman ang nakipaghiwalay sa struggling singer-actor.

Bakit? Tanging sila lang ang nakakaalam.

Ang tanong nga ng ilan, kung dakila naman itong struggling singer-actor, bakit lagi na lang siyang hinihiwalayan?

Anong nangyari at anong kulang, o sobra kaya sa kanya?

Ang punchline ay nakita si struggling singer-actor papunta sa probinsiya noong weekend na may bago nang ka-date sa biyahe this weekend—Afam!

Yun na!

GORGY RULA: Ang sabi nga, hurting pa rin daw itong si singer-actor. Kaya nakipag-date na ba sa iba?

May mga nakakakita kasi sa kanyang iba na ang nakaka-date.

Sana naman nag-focus muna siya sa career niya kesa makipag-dyondian sa iba, di ba?

Mabuti nga si actor-businessman, namamayagpag ang prime time teleserye na kabilang siya.

Pero sa totoo lang, nakakatakot pag naisipan nitong singer-actor na gumawa ng libro, huh?! Ang daming mabubukelya!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN