Businesswoman na nagpakilalang siyang tinutukoy ni Ynez Veneracion na nang-scam diumano, nagbanta

by PEP Troika
May 12, 2018

GORGY RULA: Pagkatapos magsalita ni Ynez Veneracion tungkol sa kaibigang diumano'y nag-scam sa kanila, lumutang ang babaeng nagpakilalang siya raw ang tinutukoy ni Ynez—si Kathelyn Dupaya.

Nagpa-interview na siya sa PEP.ph (Read: Brunei-based businesswoman cries foul over scammer accusation of Ynez Veneracion), at nang nakausap ko sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH kagabi, sinabi niyang hinihintay lang niyang banggitin ni Ynez ang pangalan niya at maghanda na raw ito.

“Pag ako… nilagay niya ang pangalan ko na ako ay scammer, talagang tutuluyan ko siya,” diretsong pahayag ni Kathelyn.

Pinigilan na rin daw si Ynez ng abugado niya na magsalita. Mukhang may kasunod siyang ilalabas na pasabog laban dito kay Dupaya.

Text ni Ynez sa PEP Troika, “I will say my piece real soon. Advice lang din po ng lawyer ko na huwag ko siyang sabayan ngayon. Gonna give her light to shine.

“Pagharap ko sa ‘yo, may iba pa po ako ihaharap na may atraso din siya.

Continue reading below ↓

"Sa ngayon, hahayaan ko muna siya, but soon... ayusin ko lang po muna, Kuya Gorgy.”

Dagdag na pahayag ni Kathelyn, “Sana bilang magkakaibigan, kung ano man yung pinagsasamahan ng magkaibigan, huwag nilang tingnan ang isang pagkakamali sa dami ng mabuti.

“Hindi lahat ng transaksyon ay perfect. Dapat may unawa.

"Kasi sa business po, hindi puro pera, e. Kailangan nandiyan ang patience mo, love, ang pag-unawa talaga. Hindi puro pera-pera.

"Kasi yung pera, madaling hanapin 'yan, e. Pero yung pagkakaibigan, hindi nabibili yun.

"At ang pinakita ko sa kanila, hindi matumbasan kahit sino mang kaibigan na nakagawa ng kabutihan for so many years. Sana makita nila yun.”


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: May mga pagkakaibigan na nagiging magkaaway dahil sa pera.

Sabi-sabi, kung gusto mong makilala ang tunay na ugali ng isang tao... pautangin mo.

Kung maliit na halaga ang sangkot, maipagwawalang-bahala iyon.

Pero kung milyones ang pinag-uusapan, mahirap yun kalimutan.

Naalala ko tuloy ang kaso ng isang TV executive na nangungutang ng malaking halaga sa isang aktor.

Humingi ng payo ang aktor sa kanyang manager kung pauutangin ba niya ang maimpluwensyang TV exec.

Ang payo ng manager, “Huwag kang magpautang. Bigyan mo na lang ng pera sa abot ng iyong makakaya. Tulong mo na lang. Hindi mo sisingilin.”

Sumunod ang aktor. Maluwag sa kalooban niya na nagbigay siya ng P30K sa TV exec.

Iyong ipagkatiwala mo ang milyones mo para sa negosyo o networking, para na ring pagpapautang iyan.

Ang perang inutang, dapat bayaran!

NOEL FERRER: Nakakalungkot nga kung PERA ang pagmumulan ng 'di pagkakaunawaan ng mga magkaibigan o kahit sinuman.

Continue reading below ↓

Puwede kasing kitain o pagsumikapan ang pera, pero ang pagkakaibigan, kapag nasira yan, mahirap nang maibalik sa dati.

May kilala rin akong ganyang magkaibigan sa showbiz na nagkasira dahil sa pagiging materyosa ng isang celebrity na kaibigan. Nagagawa niya nang manumbat o magparinig ukol sa perang ipinahiram o ibinigay niya.

Meron din namang sinusukat ang iyong purchasing power bago ka kaibiganin.

Nakakalungkot 'yang mga batayang materyal kung magiging dahilan ng 'di pagkakaunawaan.

Sayang!!!

Read Next
Read More Stories About
Ynez Veneracion, pep troika
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results