Juancho Trivino, sinagot ang mga tanong tungkol kay Alden Richards

by PEP Troika
May 12, 2018

GORGY RULA: Nilinaw namin kay Juancho Trivino sa presscon ng Inday Will Always Love You sa GMA-7 kahapon, May 11, kung hindi ba kasama sa grupo nila si Alden Richards.

Binabanggit niya kasi sila nina Maine Mendoza, Sheena Halili at ang non-showbiz boyfriend nito, ang magkakabarkada dahil nabuo ang friendship nila sa Destined To Be Yours.

Out ba si Alden sa grupo nila?



Continue reading below ↓

“Yung kay Alden naman kasi, kaya kami naging close kami nila Maine, nina Sheena, kasi ibang unit kami sa Destined To Be Yours.

“Si Alden kasi madalas sa main unit. Kami nina Sheena, Maine, nasa bundok kami. Kaya palagi kami nagkaka-bonding.

“Pero everytime na we would have scenes together, like I posted on Instagram before na naglalaro nga kami ng board games.

"So, Alden is still a part of our group," sagot ni Juancho.

Hindi ba nila niyayaya si Alden pag lumalabas sila?

“Ini-invite namin ai Alden. Hindi nga lang nagkakaroon ng time kasi bilang lang talaga yung time na nagkaka-hang out kami nina Maine,” pakli ni Juancho.

Matagal na rin naman daw nilang gustong magkaka-bonding silang lahat kasama siyempre si Alden.

Maingat si Juancho sa mga sagot niya sa presscon ng IWALY kahapon.

Kinuyog ito ng mga reporters na gustong malaman ang tungkol sa kanila ni Maine, kaya binantayan ito ng dalawang taga-Corp. Comm ng GMA-7 at isang taga-GMA Artist Center.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ang na-notice ko kay Alden, iba talaga ang grupo niya. Yung mga katrabaho niya, trabaho lang talaga. Although wala ka talagang masasabi sa pagkaganda ng kalooban.

Magalang at mabait na tao, but he pretty knows how to maneuver and really keeps to himself.

Baka nga mas kumportable siyang ganun at nananatili siyang misteryoso—para ngang Piolo Pascual.

JERRY OLEA: Tweet ni Juancho matapos ang presscon ng Kapuso series na Inday Will Always Love You nitong Mayo 11, Biyernes...

“Hi, hindi ko po sinagot ang mga tinanong kanina sa presscon tungkol kay Maine para i-promote ang aking show, sinagot ko yun to clear issues.

“Barkada ko si Maine and Sheena at kung hindi ninyo ako kilala, protective ako sa family and friends ko.

“So, happy lang tayong lahat!”

Nilinaw ni Maine na hanggang friendship lang sila ni Alden.

Nawa’y matanggap ng fans ang ibang aktor na napapalapit kay Maine, gaya nina Juancho at Sef Cadayona.

Continue reading below ↓

Hindi nakapagtataka na ipatungkol ni Juancho kay Maine, “I will always protect you!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results