Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Tabi muna si Jak Roberto, kay Derrick Monasterio muna naka-focus si Barbie Forteza

by PEP Troika
May 13, 2018

JERRY OLEA: Inamin nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang kanilang relasyon sa birthday party ng katotong Jun Lalin last year sa J Bistro, Timog Av., QC.

Nitong Mother’s Day 2018, Mayo 13, dumalo muli si Barbie sa birthday lunch ni Jun sa 81 SeiHai (pumalit sa J Bistro).

Ang ka-“date” ni Barbie ay ang kanyang parents.

Nasa rehearsal kasi si Jak ng OH, BOY! & OH, LOL!

Saan kamo magse-celebrate ng Mother’s Day sina Barbie?

Say ni Mommy Amy, “Kung saan po kami tatanggapin.”

Noong Mother’s Day last year, hindi raw sila nakakain sa labas.

“Umiikot lang kami. Puno ang parking. Kahit sa mga fast food restaurants at malls, punuan,” kuwento pa ni Mommy Amy.

“Kagabi pa lang e trapik na.”

Bida si Barbie sa primetime show na Inday Will Always Love You, na papalit sa The One That Got Away (TOTGA).

GORGY RULA: Welcome na welcome pa naman si Jak sa pamilya ni Barbie, kaya malamang ka-join siya sa Mother’s Day celebration ng pamilya ng Kapuso young actress.

Continue reading below ↓

Pero aligaga ngayon si Barbie sa promo ng Inday Will Always Love You na magsisimula na sa May 21. Kaya tabi muna si Jak dahil sa love team muna nina Barbie at Derrick Monasterio naka-focus.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Thankful naman si Derrick dahil walang selosang nangyayari. Suportado raw ni Jak ang love team nila ni Barbie mula pa sa Almost A Love Story.

Kung hindi umepek ang love team nila sa pelikula, malamang dito sa bagong serye nila sa GMA Telebabad, makakabawi dahil masuwerte si Barbie pagdating sa TV.

NOEL FERRER: Sana nga, sana ... pero ang tanong ko lang, wala bang magic ang Barbie at Jak kapag sila ang magkatambal sa isang proyekto at parang pinaghihiwalay talaga sila ng assignments?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results