Totoo bang P200 M ang budget ng pelikulang Darna?

by PEP Troika
May 13, 2018

GORGY RULA: Nakorner PEP Troika si Direk Erik Matti sa Alta by Relik sa San Juan kahapon, na kung saan doon ginanap ang contract-signing ng pelikulang pagsasamahan ng ONE Championship World Champion Brandon Vera at ng Mixed martial Arts athlete at actor ng Hongkong na si Dennis To.

Isang malaking pelikula ang gagawin nila rito sa Pilipinas na ipu-produce ng Reality Films nina Direk Matti at Dondon Monteverde ka-join ang Sunson Group Limited ng Hongkong na ididirek ng Chinese British National na si Sean Yim.

Pagkatapos nilang magpirmahan ng kontrata, kinumusta na namin kay Direk Erik ang pelikulang Darna nila ni Liza Soberano.

Napangiti lang ang direktor dahil hindi pa rin daw siya puwedeng magbigay ng ilang detalye.

Nandoon din si Mother Lily Monteverde na nagtanong kung totoo bang 200M pesos ang budget ng naturang project.


Continue reading below ↓

Natawa lang si Direk Erik dahil hindi pa rin daw niya puwedeng sagutin ang mga ganung tanong at magbigay ng ilang detalye.

“Hindi ko alam kung gaano karami ang masasabi ko, gaano ang hindi,” napapangiting pahayag ni Direk Erik.

“Basta nag-shoot na kami, in full swing na, pero nagti-training pa rin.

“Hinahabol kasi namin na walang double ang mga stunts na gagawin ni Liza,” pakli ng naturang direktor.

“Malakas ang loob ni Liza, e. Matapang siya,” dagdag niyang pahayag.

Hindi pa rin daw niya puwedeng sabihin kung sino ang gaganap sa ilang karakter. Pero ang masasabi lang niya ay malaking pelikula raw talaga ito.

“The challenge now is to make a super hero film that’s appropriate for all the super hero films that’s been coming out the past decade.

“We’re really coming up with the super hero story. With a lot of heart, with a bit of humor.

“Because 'di natin ma-afford sa resources, idinaan na lang sa pakenkoy, sa costume okey-okey na lang yan. Comedy naman, e.

“Ito talaga…the challenge is to do a real super hero film,” pahayag ni direk Erik Matti.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ikatlong weekend na ng Avengers: Infinity War ngunit ariba pa rin ito sa takilya.

Sa Miyerkules, palabas na ang Deadpool 2.

Sa local movie industry, Darna ni Direk Matti ang superhero movie inaabangan ng moviegoers.

Bago magtapos ang 2017, marami ang naniniwala na si Liza Soberano ang magiging pinakamainit na bituin ng 2018 dahil sa Darna.

Walang dahilan para mabago ang pinanghahawakan nila.

NOEL FERRER: Habang naghahanda na naman si Direk Erik ng bagong pelikulang ONE para kay Brandon Vera at Dennis To, at habang hinihintay ang pinakamalaking pelikula ng taon na Darna, meron lang akong isang tanong—ano na ang nangyari sa Buy Bust ni Direk Erik.

Mukhang mauuna na ang Syd And Aya  na pelikula ni Anne Curtis kaysa sa nauna nang natapos na Buy Bust.

Anyare na kaya roon?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results