Xian Lim, pasok bilang direktor sa Cinemalaya

by PEP Troika
May 13, 2018

NOEL FERRER: Parang hindi na nakapaghintay si Xian Lim sa official announcement ng Cinemalaya na karaniwan sa closing ceremonies inilalabas—at ipinost na niya publicly ito.


Kung matatandaan, may nauna na tayong item tungkol dito na blind item pa dahil may proseso pa silang dapat daanan—pero itong horror/thriller project for Cinemalaya ay isa na namang reinvention kay Xian Lim bilang direktor na.

Sana lang hindi maunsyami—dahil hindi niya na-contain ang kanyang kasiyahan.

Tingnan natin kung ipapababa sa kanya ang post na ito.

JERRY OLEA: Siyempre, kaabang-abang ang pelikula kung artista ang direktor!

Xian Lim is Xian Lim is Xian Lim!

Mas exciting ang Cinemalaya kung may entry na dinirek ni Xian, 'di ba?!

GORGY RULA: Nung nasa shortlist itong material na isinabmit ni Xian, naintriga agad na sinolo raw niya ang credit ng writer at director.

Sinubukan ko siyang hingan ng sagot sa intrigang iyun, ayaw na niyang sagutin. Hindi naman daw totoo yun sabi ng handler niya sa Viva.

Continue reading below ↓

Ngayon naman, kating-kati at hindi man lang nahintay ang official announcement ng Cinemalaya, kaagad na ipinost na niya ang sulat sa kanya ng Cinemalaya.

Sobrang excitement ba o nagmamahadera lang talaga?

Samantala, ngayon pa lang ay papasukin na rin ang pagdidirek ng isang kaibigan natin na matagal nang sumusuporta sa local films.

Totoo bang may isinabmit na rin si Atty. Joji Alonso na ididirek niya?

Sana makapasok sa Cinemalaya 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results