Sharon Cuneta, ayaw nang ituloy ang movie project nila ni Gabby Concepcion

NOEL FERRER: As we all celebrate Mother’s Day and pay tribute sa ating mga nanay-nanayan, I greeted Sharon Cuneta on this special day.

I also told her to forego na talaga with the Sharon-Gabby movie kung mabigat pa rin at maraming balakid.


Instagram / Noel Orsal

Until last week, muntik pa ring matuloy at mag-storycon, pero may naging balakid na naman daw (na hindi sa kampo nj Sharon) na ayaw na niyang pag-usapan.

At sa mismong concert ng best friend ni Sharon na si Zsa Zsa Padilla, sinabi niya talagang wala nang ganung project—hindi na raw tuloy yun.

Bakit?

Dahil nag-resign na si Shawie sa proyekto. At definite na ito!

Ang sabi ni Sharon, “I actually officially resigned from the project!

"Sabi ko, not next week, next month, next year or any other time in this lifetime."

Ayaw na rin daw ng Star Cinema bosses na sina Malou Santos at Olive Lamasan.

Naghahanda na lang sila ng proyekto with Sharon kasama ang kahit sinong aktor na disente at propesyunal.

Ganun na lang dapat! Ngayon, sinong nawalan?

No, not Shawie—she has her good core intact!

JERRY OLEA: Dear Heart... Tayong dalawa, sa hirap at ginhawa. Bakit ikaw pa rin? Dapat ka bang mahalin?
Pati ba pintig ng puso, my only love?

Una kang naging akin!

P.S. I love you.

GORGY RULA: Baka ipinag-adya na ring huwag matuloy ang project na yun para na rin sa ikabubuti nila.

Kahit nag-trending at pinag-usapan ang commercial na pinagsamahan nilang dalawa, hindi basehan yun para mag-hit ang pelikula nila.

Sabi nga ni Mother Lily, ayaw na niya ngayon ng mga love team-love team. 'Tapos ibabalik mo ang napakatagal nang love team na walang katiyakan kung may init pa ba?

Tama na 'yang mag-focus na lang sila sa kani-kanilang career at nakilala silang mapagmahal na magulang ni KC Concepcion.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN