Donita Rose, nilinaw ang napapabalitang relasyon nila ni Keempee de Leon

by PEP Troika
May 14, 2018

JERRY OLEA: “Pag namatay na ako at nakaharap ko si Hesus, isa lang ang itatanong ko sa kanya... 'Lord, bakit binigyan mo ako ng signs na siya ang The One?'”

Malumanay ang pagkakalahad ni Donita Rose sa kanyang saloobin kaugnay sa kanyang ex-husband na si Eric Villarama.

Walang galit. Walang pait.

Nais lang niyang maliwanagan.


Continue reading below ↓

Humingi kasi siya ng signs kung si Eric ba ang itinakda para sa kanya, for better or for worse, hanggang malagot ang kanyang hininga.

Si Eric ay kaibigan ng kanyang nakababatang kapatid. Tatlong taon silang magkasintahan bago nagpakasal.

Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagsama sila ng 12 taon.

Hanggang sa isang Valentine’s Day, nahuli niya si Eric. Natanto niyang may iba na itong mahal.

“Winasak niya ang aking puso.”

Ganoon na lamang ang galit ni Donita sa pagtataksil ng dating asawa.

Sa paglipas ng panahon ay naghilom ang sugat.

At matapos ang guesting niya sa Magandang Buhay kaugnay sa Valentine’s Day, unti-unti silang nagkaayos.

Napatawad ni Donita ang lalaking minahal niya nang buong puso at kaluluwa.

Napawi nang lubusan ang hinanakit niya rito.

NOEL FERRER: At pagkatapos ng chapter na yun with her former husband, gaano katotoo na may bagong manunuyo si Donita na kasama niya noon pa sa That’s Entertainment na anak ng isang napakasikat na showbiz personality?

Continue reading below ↓

Maganda rin silang tingnan, kasi after ng mga pinagdaanan nila sa larangan ng pag-ibig, magandang makita na masaya na sila ulit.

May K naman siya, Donita, di ba?

JERRY OLEA: Napakunot-noo si Donita nang usisain namin tungkol sa lalaking may ‘K.’

“Nag-That’s Entertainment reunion kami, tapos, ahhh... merong laro na ... Bad Dog or something like that,” pasakalye ni Donita nang makaharap namin sa birthday lunch ni Jun Lalin nitong Linggo, Mayo 13 ng hapon, sa 81 SeiHai, Timog Avenue, QC.

“Tapos, ginulo lang ako. Yung parang ginulat lang ako!

“Tapos, sobrang.... ahh... nagkaroon siya ng maraming views sa Instagram ko.

“Tapos, after that, merong isang taga-That’s na niloko ako.

“Tapos, sabi ko, ‘Ha? Bakit gano’n?’

“So, no! No! No! No!” mabilis na pag-iling-iling ni Donita na napapikit pa.

“Keempee [de Leon] is like a brother to me!”


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Nagulat nga silang dalawa bakit na link sila bigla.

Ang naalala lang nila, nung magkasabay silang mag guest sa Tonight with Arnold Clavio, kung saan tinukso silang dalawa.

Baka dun daw nagsimula, pero wala talaga.

Sa ngayon ay mas gusto muna ni Donita na mag-focus sa trabaho at nag-iisa niyang anak.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results