Paglabas ng video scandal ng baguhang aktor, kagulat-gulat pa ba?

by PEP Troika
May 14, 2018

JERRY OLEA: Lumabas na!

Noong una, nude pictures lang ng model-actor ang kumalat sa social media.

Inamin iyon ng poging model-actor na nakakaengganyong sumayaw at kumanyod.

Nalagpasan niya ang matinding pagsubok, at pinusuan pa rin siya ng kanyang mga tagasuporta at tagasubaybay.

Last week, bumulaga online ang vidcaps ng kanyang kahubdan.

At nitong Lunes, Mayo 14, napanood namin ang kanyang Skype video na 1:09 (1 minute, 9 seconds) ang haba.

Maliwanag ang video, at kitang-kita ang kanyang mga tattoo.

Nag-flash ang kanyang pangalan sa upper left corner ng screen, habang seryosong pinapaligaya ni model-actor ang sarili.

Matipid ang kanyang ngiti.

NOEL FERRER: Nagsisimula pa lang siya at mayroon na agad ganitong isyu.

Sana ay mayroon siyang magandang dala sa mundo ng showbiz at mapagwagian itong video scandal na ito.

Hindi ako pamilyar sa kanya. Ang tanong, ano ba ang nagagawa niya nang sakdal husay?

Dun siya mag-concentrate, magsanay, at sana makilala.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Di ba, matagal nang lumabas ang pictures ng baguhang aktor na ito?

Ngayon lang lumabas ang video, magugulat pa ba tayo?

Kayang-kaya na itong i-handle ni aktor. Baka mas marami pa ang magnasa sa kanya.

Naalala ko tuloy ang isang aktor na na-involve din sa ganung scandal, lalong dumami ang indecent proposals niya. Nagpalit na lang tuloy siya ng phone number.

Ito namang si baguhang aktor ay malamang pag-usapan lang sandali, 'tapos makakalimutan na.

Hindi naman siguro siya isu-suspend sa noontime show na kinabibilangan niya.

Yung isa nga niyang kagrupo na nasangkot din sa iskandalong kabadingan, tuloy pa rin sa programa at dinedma na lang ang isyung iyun.

Sa totoo lang, di na 'to bago.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results