Aktres, tinulugan ang direktor at co-stars sa taping ng pinagbibidahang teleserye

by PEP Troika
May 16, 2018

GORGY RULA: Halos lahat ng big stars ay humihingi na ng cut-off sa taping, o kahit sa shooting.

Lalo na ang veteran stars, understandable na magkaroon ng cut-off dahil nag-iingat na sila sa kanilang kalusugan.

Okay na siguro ang 16 hours straight na taping. Maximum na ang 18 hours.

May iba naman, OA sa hinihinging cut-off na iilang oras na lang ang ibinibigay na night effect.

May iba naman, isang oras bago ang cut-off, nagliligpit na wala nang pakialam sa kukunan pang natitirang eksena.

Kuwento ng source ng PEP Troika, itong si not-so-young actress ay bida sa isang afternoon drama at sa isang araw na taping ay halos kasali siya sa lahat ng eksena.

Pinakiusapan na kung puwede ay huwag muna siyang magpa-cut off dahil tiyak na uumagahin siya.

Buong-puso naman siyang pumayag.

Pero kalaunan, napapagod na rin si aktres. Naging masungit na raw ito pag lumalalim na ang gabi.

Continue reading below ↓

Kaya naninimbang na ang mga staff sa kanya na dati naman niyang katsikahan.

Siguro talagang pagod na siya, wala na ito sa mood.

Madaling-araw, may mga kukunan pang eksena, pero wala naman silang magagawa, kailangang tapusin kaya kailangan ng kooperasyon ng lahat.

Pero itong si bidang aktres, deadma na siya sa mga tawag at instructions mula kay Direk.

Minsan daw, nag-"actors in" na sa set para sa reading at rehearsal ng eksenang kukunan.

Nagbibigay na si Direk ng instruction at magbabatuhan na ng linya, pero napansin nilang wala na silang naririnig mula sa bidang aktres. Napansin ng isang co-actress, tulog na ito.

Hiyang-hiya ang production staff kay Direk at pati sa co-stars dahil lahat naman ay pagod na, pero kailangan nilang makipag-cooperate at makinig sa instruction ng direktor.

Pero hindi na nila ito nakikita kay bidang aktres. Pagod na siya! Tulog na siya!

Hindi pa namin alam kung binigyan na siya ngayon ng cut-off.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sana na lang pala ay hindi na pumayag ang aktres na mag-extend ng taping in the first place, kung ganun din lang at matutulog lang siya.

Speaking of tulog, habang nasa eksena, naganap din 'yan sa isang aktres na nakapag-rehearse at nabigyan na ng major instructions ng direktor.

Pero nang magte-take na ay biglang nakatulog na lang (o nagtulug-tulugan ba?).

Oh, well, ano ba ang makatarungang cut-off time?

Karaniwan, 12 midnight sa mga senior stars, pati na ang aso sa Sherlock.

Pero usually, 2 AM na, kapag tumawad ay puwedeng maging 3 AM.

Pero suwerte talaga ang ilan na 10 PM ang cut-off, di ba?

JERRY OLEA: Kung wala sa puso ni not-so-young actress na maging considerate sa mga katrabaho, mabuti pang tapusin na ang drama series na pinagbibidahan niya.

Matulog na lang muna siya nang matulog, at hayaang hihikab-hikab ang kanyang career.

Sangkatutak ang nakaabang upang mabigyan ng pagkakataon na maging duchess, marchioness o baroness ng teledrama!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results