Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Star Cinema, di masyadong masaya sa box-office results ng Kasal?

by PEP Troika
May 17, 2018

JERRY OLEA: Minsan nang nagalit ang buwan sa haba ng gabi, kaya lalim-laliman ang hugot ni Lia Marquez (Bea Alonzo) sa tatay (Ricky Davao) niyang nanay pala sa pelikulang Kasal.

Ewan kung na-inspire ang manunulat ng Kasal sa love story nina Angelina & Joey Mead King, pero may bahid ito ng pelikulang When The Love Is Gone (2013).


Continue reading below ↓

Bea Alonzo & Paulo Avelino in Kasal

May bahid din ito ng pelikulang Ang Lalaki sa Buhay ni Selya (1998), kung saan ang teacher na si Selya (Rosanna Roces) ay “pinag-agawan” ng dalawang lalaki (Ricky Davao & Gardo Versoza).

Tulad ni Selya, teacher si Lia.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakakadarang ang shower scene ni Paulo Avelino (bilang Phillip Cordero, fiancé ni Lia) sa Kasal, lalo’t nag-hello ang kanyang butt crack.

Bangis-bangisan ang sexual tension sa halik na nalasap niya.

Muli, maigting ang pagkalalaki rito ni Derek Ramsay bilang Eduardo “Wado” de la Costa, na wumasak sa puso ni Lia.

NOEL FERRER: Nakausap ko ang ilang miyembro ng Cinema Evaluation Board at ang naging isyu ng talakayan nila ay ang gender politics ng Kasal.

Without giving a spoiler sa film, with real life examples like Geraldine Roman and some other gay government officials in elective offices, parang naging backward pa ang pag-atras sa politika sa kuwento involving a major character.

Continue reading below ↓

Pati nga ang frame-up na blackmail shower scene ay sinasabing anti-gay.

Oh well, medyo nakakabahala man—at ito ang gusto ng filmmaker—ang may diskusyon pagkatapos mapanood ang pelikula.

Mas nakakakaba ay kung masu-sustain ng pelikula ang box-office standing nito, given na drama itong may maselang tema.

Ang tanong nga ng mga taga-teatro, kung ikaw ay isang ama o magulang in general, dadalhin mo ba ang anak mo para mapanood ang pelikula at maipapaliwanag mo ba nang maayos ang sexual politics nito (dahil PG nga ang rating)?

At may repeat audience kaya ito?

This remains to be seen.

But kudos to Ricky Davao na siyang naging progressive voice ng pelikula. Siya ang may tapang at lalim na understanding ng kanyang role.

Nabalitaan naming muntik nang mawala kay Ricky ang role nito dahil nasa France siya kasama ng kanyang anak nang unang in-offer ito.

Suwerte lang at nabigyan siya ng pagkakataong i-create ito away from the past roles na halos pareho nito.

Continue reading below ↓

Ricky just showed us na laging may bagong insight na puwedeng lumabas sa isang role, lalo pa’t malinaw at may pang-unawa at maayos na sensibilidad ang gaganap dito.

Bravo, Ricky Davao!

GORGY RULA: Hindi ko pa kasi ito napanood. Baka bukas.

Kung may gamitong diskusyon sa pelikula, ewan ko kung makakatulong.

Ang narinig ko nga, di gaanong happy ang mga taga-Star cinema sa box-office results sa opening day nito.

Kung PHP10 million ang press release nila, hayaan na natin kahit may padding. Ganun naman talaga.

Sa second day nito, parang di naman pumik-ap. Ewan ko lang kung babawi sa weekend.

Pero kung ganun pa rin na di naman gaanong pumalo sa takilya, baka hindi raw nito maabot ang target nilang PHP150 million.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results