Guwapong aktor, pinagkaguluhan ng sankabadingan dahil sa dala niyang "santol"

by PEP Troika
May 18, 2018

GORGY RULA: Na-miss ko bigla ang Startalk. Kaya magda-"Da Who" ako ngayon para hulaan niyo kung sino itong guwapong aktor na nag-guest sa isang programa ng TV network na nilipatan niya.

Nag-rehearse si guwapong aktor para sa guesting na yun, pero sa rehearsal pa lang, nagtambakan na ang buong sankabadingan para panoorin lang siya.

Pero hindi naman ang performance ni aktor ang pinapanood nila kundi ang baong santol ni guwapong aktor!

Mula sa PA, hanggang sa make-up artist, pati ang baklitang janitor ay napanganga nang pinapanood ang rehearsal ni guwapong aktor dahil kitang-kita, bukol na bukol ang karatulang ‘Santolan Station’!

Sabi nga ng isang staff, parang gusto niyang palitan ang mala-religious name ni guwapong aktor ng "Felix Bakat" dahil nakaka-distract daw ang bumabakat sa joggers na suot nito.

Nakakatawa lang doon sa rehearsal, napapanganga lang ang mga bading habang pinapanood si guwapong aktor.

Walang nangahas na kumuha ng cell phone nila para kunan ito, dahil natatakot sila't baka madyombag ni guwapong aktor.

Continue reading below ↓

Alam nilang mainitin ang ulo nito at walang takot na uumbagin ka kapag feeling niya nababastos siya.

Kaya behaved ang mga baklitang laway na laway kay guwapong aktor.

JERRY OLEA: Hindi lang Santolan Station ang bumabalatay sa guwapong actor kundi maging ang hotdog stand.

At hindi lang ang kadakilaan ng aktor ang alamat para sa bekibelle kundi maging ang husay niya sa laklakan.

Scandalicious!

Nakakadarang!

Maraming taga-showbiz ang makakapagpatunay sa sukat ng pagkalalaki ni guwapong aktor, pero hindi iyon umubra sa isang aktres na sakdal husay.

NOEL FERRER: Pero tama naman, hindi sa santol nasusukat ang pagkalalaki at pagkatao, di ba?

Good luck sa bagong lipat na aktor!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results