Ricky Davao, bilib sa tapang nina Paulo at Derek; ilang key characters sa Kasal, bading

JERRY OLEA: Bumilib si Ricky Davao sa tapang nina Paulo Avelino at Derek Ramsay na co-stars niya sa pelikulang Kasal.

“Ang galing nila! Dalawang eksena lang kami ni Paulo pero... sarap! And Derek wants to do something ano,” sambit ni Ricky nang makausap namin sa birthday celebration ni Jun Lalin noong Mayo 17, Huwebes ng gabi, sa Karaoke Republic, Timog Avenue, QC.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ricky Davao with Cherie Gil

Patuloy niya, “With Ruel [Bayani, director] kasi, every scene, hinihimay, e. So, relaxed lang. Kuwento-kuwento.

“Pero yung kuwento namin, kasama na doon yung character. 'Tama ba ito?' Thinking aloud kami.

“O, gawin natin ito... ‘Anong gagawin mo kung ganito-ganyan?’ Ganun si Ruel, e. Organic. Yun ang style niya.

“Una, chika-chika. Mamaya, yung ichini-chika, related pala sa role. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Nag-look test pa nga ako sa role ko. Akala kasi nila, ganun pa ako kalaki.

"E, I already lost 20 pounds. So, nag-look test ako."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paulo Avelino, Bea Alonzo, and Derek Ramsay

Kumurot sa aming puso ang “pagtutuos” nina Ricky at Bea Alonzo bilang mag-ama sa pelikula.

“Acceptance na yun, e,” sabi ni Ricky. “It’s about that naman, e—tolerance, forgiveness.”

Kumusta si Bea bilang katrabaho?

“Magaling! Nakakatuwa si Bea na katrabaho!” bulalas ng beteranong aktor.

“Very professional. Magaan.

“I’ve worked with her before, several years ago. Yung soap ni LT [Lorna Tolentino], Kay Tagal Kang Hinintay.

“Accidental love team sila doon ni John Lloyd [Cruz]... Anak ni Edu [Manzano] si Bea. Anak ko si John Lloyd, e, nung time na yun.

“Doon ko siya [Bea] unang nakatrabaho. Ang bata-bata niya. Sixteen pa lang yata siya noon. And after that, ito na!

“Noon kasi, parang nawala yung mga lead... parang may something... so, nag-concentrate yung kuwento doon sa mga bata.

“Nagklik. May kilig. May ano...

“Sarap niyang katrabaho,” papuri pa ni Ricky kay Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Katulad nga ng naunang sinabi ko, yung karakter ni Ricky Davao ang pinaka-may kabatiran at properly fleshed out sa masasabi nating daring niyang role.

Kudos to Paulo for taking on a risque role.

Pero ang tanong ng LGBT groups, saan siya sa spectrum?

Hindi raw kasi malinaw ang acceptance nila sa ganung karakter kung siya mismo ay confused din.

Yung karakter naman ni Derek, ganun pa rin ba ang tingin sa mga bading, na konting himas at frame-up ay bibigay ito?

Maganda ngang maging lunsaran ng diskusyon ang pelikula.

Pero ang tanong, anong klaseng understanding ang isinusulong nito sa kaayusan ng pamilya, komunidad at lipunan?

Ngayong napanood na ang pelikula, sa tingin niyo, spoiler pa rin ba kung pag-uusapan na bading ang ilang key characters na sangkot sa kuwento?

Kung at the onset ay nakundisyon na ang isip ng mga tao na ito ang premise, hindi kaya mas yayabong at lalalim pa ang talakayan ukol sa gender politics—at hindi ito sangkap lang sa isang malaking melodrama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natakot kaya ang producers na ibunyag itong premise at baka mas lalong hindi tauhin at ma-turn off ang mga manonood sa temang kabadingan (and supposedly ang tuluyang acceptance nito); o baka mas na-turn off ang mga manonood dahil parang hindi sila handa sa melodramatikong twist ng istorya na nag-aastang progresibo (sa biglaang tingin) pero nakulong din sa makalumang conventions sa kabadingan?

Tuloy, gusto kong pag-usapan at i-problematize ang ginawang paghimay ng movie reviewer na si Philbert Dy sa kuwento ng pelikula sa kanyang social media site.

Ano kaya ang masasabi ng ating mga producer sa ganitong klaseng mga feedback at kritisismo? Gaano sila kabukas dito?

GORGY RULA: Ayoko na sanang pag-usapan ang pelikulang iyan. Parang lalo akong nabobo sa kuwento.

Tinanggap ko na ang pag-handle nila sa tema ng kabadingan sa kuwentong yun. Marami talagang butas ang kuwento.

Ginawa pa nilang setting ang Cebu na halos Manila na rin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

'Tapos ang ginawa dun sa kuwento, nakasalalay ang political career nung karakter ni Paulo Avelino sa isang tulay? Sa tulay lang talaga?

Kung ginawa nila ito sa isang maliit na bayan, maaaring believable siya, hindi sa Cebu.

Umaarko ang kilay ko sa ilan pang detalye nung kuwento na hindi kapani-paniwala at hindi katanggap-tanggap.

Ayoko na lang pag-aksayahan ng espasyo rito.

Move on na tayo.

Kaya nga siguro hindi umaangat ito sa takilya, dahil naguguluhan na rin ang mga manonood.

NOEL FERRER: At sa Cebu pa talaga hindi tanggap ang kabadingan sa politika?

Magandang pag-usapan, tasahin at matuto, di ba?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close