Kris Aquino, nilinaw ang movie date with Mayor Herbert; pinangakuan ng New York trip ang JoshLia

GORGY RULA: “Nanood lang ng sine. That’s it. I don’t think panliligaw yun.”

Ito ang mabilis na sagot ni Kris Aquino nang tinanong tungkol sa panonood nila ni QC Mayor Herbert Bautista ng Kasal sa Trinoma nung nakaraang linggo.


“When there are 20 of you na nanood ng sine, I don’t think so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sila, pag nanood ng sine, silang dalawa lang, e. Kami, barangay ang kasama namin,” dagdag niyang pahayag, na ang tinutukoy nitong "dalawa" ay ang magka-love team na Joshua Garcia at Julia Barretto.

Kung ikumpara ni Kris ang friendship nila ni Mayor Herbert, malayo naman daw ito sa sweetness ng JoshLia.

“We’re friends, and that’s as cliché as you can be. But we really are friends.

“Kasi sila, may moment sila na… tingnan niyo. Wala naman kaming ganyan.

“Alam ko naman siguro kung ano ang panliligaw, at alam ko naman kung ano yung nanood lang ng sine,” saad ni Kris sa pictorial niya kasama ang JoshLia para sa pelikula nilang I Love You Hater nung nakaraang Biyernes, May 18.

Doon din sa pictorial ay ibinahagi ni Kris na pinangakuan pala nila sina Joshua at Julia ng ticket pa-New York basta mag-hit lang ang kanilang pelikula.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman niya kasing gustung-gusto ng dalawang magkabakasyon sa New York.

Kuwento ni Kris, “Sinabi ko yung New York na iyan, 'O basta mag-hit tayo, sagot ko na si New York.

"'Yung tickets, ha? Pero yung hotel, yung tour, yung mga pagkain, mag-ipon na kayo for that.'

“Kasi, di ba, in life, you always have to have something to look forward to?

"Yun nga ang sinasabi ko sa kanila na dapat ma-excite na kayo.”

Kaya tuwang-tuwa naman ang dalawa sa sobrang pagmamahal sa kanila ni Kris.

“It’s so nice to be able to work with people who genuinely care about your dreams and your well-being.

"So, it’s an honor to have been able to work with TIta Kris," pahayag ni Julia.

JERRY OLEA: Showing na ang pelikulang Kasal nina Bea Alonzo & Paulo Avelino, kaya OK nang i-promote ang I Love You, Hater na bahagi pa rin sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last month pa in-announce na Hunyo 13 ang playdate ng Kris-JoshLia movie, at makakasabong nito sa takilya ang Ocean’s 8 nina Sandra Bullock, Cate Blanchett, Anne Hathaway, Rihanna, & Helena Bonham Carter.

Mabango sa takilya ang JoshLia, at hopia tayo na papatok ang comeback movie ni Kris.

Ang iba pang Hollywood movies na inaasahang raratsada sa mga darating na linggo ay Solo: A Star Wars Story (kung saan kasali si Emilia Clarke, na sumikat bilang Daenerys Targaryen sa Game of Thrones), Incredibles 2, Jurassic World: Fallen Kingdom, Ant-Man and The Wasp, at Mission: Impossible — Fallout (kung saan bangis-bangisan pa rin sa aksyon ang 55-anyos na si Tom Cruise).

NOEL FERRER: Pero sa mga nagmamahal sa pelikulang lokal, may kakaibang handog ang dalawang produksiyon na magkasunod na ipapalabas.

Sa May 23 ang Citizen Jake ni Mike de Leon at May 30 ang Ang Panahon ng Halimaw ni Lav Diaz.

Ibang putahe naman. Not your usual escapist fares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

You may like it. Or even hate it.

Pero sa mga nagmamalasakit sa pelikulang Pinoy, we simply cannot ignore these two films, at dapat nating suportahan.

JERRY OLEA: Sa Mayo 30 rin ang showing ng Ang Misyon: A Marawi Siege Story.

Bida sa socio-political film na ito si Martin Escudero, at Star Cinema ang distributor nito.

Nasa cast din nito sina Rez Cortez, Lou Veloso, Jordan Castillo, Tanya Gomez, Darius Razon, at Cloyd Robinson.

Ipalalabas din sa Mayo 30 ang “gago” movie nina Dingdong Dantes & Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story).

Hugot kete hugot dito sina Dingdong & Anne.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close