Barbie Forteza at Jak Roberto, suportado ang isa't isa kahit di magkapareha

JERRY OLEA: Panay-panay ang tweet ni Jak Roberto sa Kapuso afternoon series nila ni Glaiza de Castro na #Contessa.

Pero nag-tweet din siya para sa pilot episode (Lunes, Mayo 21) ng Kapuso prime time series na Inday Will Always Love You, kung saan bida ang "monay" niyang si Barbie Forteza.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jak na tinaguriang Pambansang Abs, “Uy, mahilig din pala sa pandesal si Happylou!”

Happylou ang karakter ni Barbie sa IWALY.

Happy si Jak para sa kasintahan. Ang peg niya, Jak will always love Barbie!

Ang sabi ni Direk Monti Parungao, na nagdirek sa unang tatlong linggo ng IWALY, “Sobrang believable ang attraction nina Happylou and Patrick [karakter ni Derrick Monasterio].

“Them being best friends help a lot in the chemistry.

"Parang sa totoong buhay, nagseselos si Ernest [karakter ni Juancho Trivino] at ka-love triangle sa friendship ng dalawa.

“I think it’s not also difficult for Barbie, who by the way is very professional in her craft, to internalize her physical attraction to Patrick because her real life boyfriend is equally sexy.”

Oh, yes! Sumuporta si Barbie sa palabas na OH BOY! OH LOL! last Friday (May 18) sa Music Museum kung saan tampok si Jak.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Magandang tingnan ang suporta ni Barbie kina Jak at Derrick sa show nito noong Friday.

Pero kanino nga merong screen chemistry si Barbie?

Parang di pa rin siya nakakahanap ng matinding katapat na magbibigay sa kanila ng legit status bilang bankable tandem.

Speaking of the same same show last week, nagtatanong ang mga tao, bakit wala raw si Sanya Lopez para suportahan ang kapatid na si Jak (kundi man niya masuportahan si Rocco) na puwede namang magandang gesture on her end.

Oh well... may their careers progress with all these moves.

GORGY RULA: Nakakatuwa ang suportahan ng magkasintahang Jak at Barbie.

Kagabi lang kasi nagsimula ang Inday Will Always Love You at walang kanegahan si Jak sa love team nina Barbie at Derrick dahil magkakaibigan naman sila.

Nakikita namang safe si Barbie kay Derrick. "Momshie" pa nga ang tawag ni Derrick kay Barbie.

Nung nag-tape naman si Jak sa Lip Sync Battle, na napanood natin nung nakaraang linggo, nanalo doon si Jak na hindi rin nagpahuli sa kaseksihan ng nakalaban niyang sina Kim Last at Martin del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandun naman pala si Barbie sa taping para suportahan si Jak.

Nasa backstage lang siya, hindi nagpakita sa fans. Sinamahan lang niya si Jak doon.

Kaya kinarir naman talaga ng hunk actor na mapanalunan niya at makuha ang belt ng Lip Sync Battle.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close