Aktres, nagpa-power trip sa production staff ng kanyang programa?

GORGY RULA: Nakasanayan na yata ng staff ang mga kadramahan ng magaling na aktres sa weekly program niya.

Hindi na sila gaanong apektado. Pinag-uusapan na lang nila, na madalas ay nakakarating sa PEP Troika, hahaha!

Nangyari kasi itong pag-a-attitude ni magaling na aktres nang mag-tape sila minsan sa isang beach. Malamang summer episode nila.

Alam ng production staff na maselan sa kuwartong tinutuluyan si Aktres, kaya pinili na nila ang pinakamagandang room ng resort—kumpleto ang facilities at maganda ang view na tanaw mula sa bintana ng kuwarto.

Akala nila happy na dun si Aktres, hindi pa rin pala.

Pagpasok niya ng kuwarto, kaagad tinawag si EP at nagreklamo. Ang pangit daw ng kuwarto at hindi raw maganda ang view.

“I want a better room!” sabi raw nito.

Sabi ni EP, iyon na ang pinaka-best na room ng resort na iyon.

Parang palambing pa raw ang pagkasabi ni Aktres ng: “Hindi niyo talaga ako love. Basta ilipat niyo ako ng room.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghanap naman ang staff ng ibang room, pero wala nang ibang available kundi ang isang kuwarto sa baba na hindi maganda ang view. Lupa lang daw ang nakikita.

Pero inilipat pa rin nila ng kuwarto si Aktres. Hinakot na nila ang mga gamit ni Aktres sa di kagandahang room.

Nagtaka sila, hindi na raw nagreklamo si Aktres. Okay na raw siya sa nilipatang room kahit mas maganda ang unang pinili ng staff.

Naloloka tuloy ang mga staff sa kanya kung ano ba talaga ang drama nito. Nagpa-power trip lang ba siya?

Mayroon pa ngang pagkakataon na kahit naka-set up na sila, nagpapabaklas daw ito dahil ayaw raw niyang mainitan.

Iba na lang daw muna ang kunan.

Sa totoo lang, hindi na sila nagtataka sa ganung attitude ni Aktres. Parang trip lang daw nitong sindakin ang production staff niya.

JERRY OLEA: Patayin Sa Sindak Ang Production Staff?

Hindi naman siguro.

Nagre-rate ang show ni Atti, este, ni Ate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang siya basta celebrity. Magaling siyang entertainer.

Nae-entertain tayo sa kanyang mga lambing at pasiklab.

And that’s a fact!

NOEL FERRER: Sana lang may nakakapagsabi sa aktres na ito ang hinampo sa kanya ng staff niya.

Sa mga post niya naman ay puno siya ng pag-ibig; sana yun na talaga ang manaig sa buhay niya.

Sana.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close