Manny Pacquiao, masusubukan ang lakas bilang fight promoter; pinaghahandaan na ang 2022 elections?

by PEP Troika
May 25, 2018

JERRY OLEA: Mahigit 100 bansa ang pagpapalabasan ng Fight of Champions nina Senador Manny Pacquiao at Lucas Matthysse sa Hulyo 15, sa Axiata Arena ng Kuala Lumpur, Malaysia.


“This is the first time that MP Promotions is doing, staging this kind... this international fight,” lahad ni Arnold Vegafria, business manager ni Pacquiao, nitong Mayo 24, Huwebes ng hapon, sa Annabel’s, Morato Avenue, QC.

Continue reading below ↓

“And fortunately, even if some say we are not, you know, capable of staging the fight... but fortunately, we covered the whole world.”

Palakpakan ang mga nakarinig sa good news na ito.

Pagpapatuloy ni Arnold, “I’m proud to say that we covered the whole world better than the other... ahh... fight organizers.”

Tawanan ang mga tao sa pasaring ni Arnold.

Aniya, “Ibo-broadcast ang Fight of Champions sa Asia-Pacific, all of Middle East, Europe, Africa, South America, Latin America, siyempre sa US, pati sa Caribbean countries.”

Sa Pilipinas, sanib-puwersa ang ABS-CBN, GMA-7, TV5, Cignal TV, at Sky Cable para sa bakbakan ni Pacman at ng Argentinian champ.

Ito ang ikalawang pagkakataong magkakatuwang ang tatlong malalaking TV network ng lupang hinirang para sabay-sabay na ipalabas sa free TV ang laban ng Pambansang Kamao.

Nagpirmahan ng kontrata ang nasabing media partners kahapon.

Present sa contract signing sina Arnold Vegafria (head of sales & marketing ng MP Promotions), Felipe S. Yalong (EVP at CFO ng GMA Network), Rolando Valdueza (CFO ng ABS-CBN Group), Antonio Ventosa (presidente ng Sky Cable), Miguel Vea (general manager ng Cignal TV), at Jake Joson (kinatawan ng Team Pacquiao).

Continue reading below ↓


DZBB ang official radio station.

Dahil sa pay-per-view, wala raw itong live stream sa Facebook.

Siyam na undercards ang bahagi ng palabas. Bale sampu lahat ang boxing bouts, kasama ang main event na Pacquiao vs Matthysse.

Dalawa ang Pinoy fighters sa undercards.

Next week magiging available ang mga tiket online.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Dapat ngang suportahan nang todo ang first project ng promotions ni Manny Pacquiao.

Sana dito na siya mag-focus pagkatapos ng laban kasi hindi na niya kailangan ng dagdag pang titulo, e. Wala na syang dapat pang patunayan.

Pinasok na niya ang public service, mas mabuting gumawa na siya ng proyekto, ng batas para sa ating mga atleta.

Di ba, isa pa siya sa inaabangan sa 2022 Presidential elections?

NOEL FERRER: Kung sinasabing lipas na ang prime ni Manny Pacquiao sa boxing, at kailangan pa niyang magmarka at magpakitang-gilas bilang senador.

Baka mas magtatagumpay siya sa bago niyang activity na ito—at huwag na please pag-usapan ang pagiging Presidente!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Manny Pacquiao
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results