Alden Richards, sasagutin na ang mga katanungan tungkol sa bago niyang teleserye

by PEP Troika
May 25, 2018

GORGY RULA: Mamayang gabi, May 25, ay mapapanood sa 24 Oras ang exclusive interview kay Alden Richards para pormal nang ilunsad ang bagong prime time series niya sa GMA-7.


Ibibigay ni Alden ang buong detalye ng bago niyang project na isang family-drama, action, at fantasy.

Ang daming naglabasang kuwento na ang final title daw nito ay Victor Magtanggol.

Continue reading below ↓

Meron ding kuwentong kasali si John Estrada, kasama rin daw si Janine Gutierrez, at lumitaw rin ang pangalan ni Jasmine Curtis Smith.

Kay Alden lang makukumpirma ang lahat ng ito mamayang gabi.

Ibabahagi rin niya kung gaano siya kasaya sa malaking proyektong ito na matagal ding pinaghandaan ng GMA-7.

Mamaya na rin ipalalabas ang teaser nito para mabigyan ng ideya ang mga manonood kung anong klaseng teleserye itong gagawin ni Alden.

Nababanggit na ni Alden sa mga nakaraang interviews na gusto talaga niyang makagawa ng drama series na hindi lang pawang drama o rom-com.

Gusto naman daw niyang makagawa ng ganitong klaseng kuwento na ibang-iba sa mga nagawa niya.

JERRY OLEA: Maggi-guest kaya rito si Maine Mendoza?

Kung kailan nalalapit ang 150th weeksary ng AlDub, heto ang prime time series ni Alden na siya ang bidang-bida.

Mayo 26, 2017 nagwakas ang Kapuso prime time series na Destined To Be Yours nina Alden at Maine.

Continue reading below ↓

Ang sabi, tinapos agad ang naturang serye dahil may gagawing pelikula ang AlDub.

NOEL FERRER: Kaabang-abang ito bilang ang tagal nang hindi nag-teleserye si Alden.

Kanino siya itatapat? Sa Probinsyano, sa Bagani o sa Since I Found You?

Gaano katotoo na ang unang gustong pagtambalin sa pelikula ay talagang sina Coco Martin at ang AlDub?

Ngayon, tuloy na ba ang Coco at Vic tandem?

Abangan!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results