Manay Lolit, excited sa belated b-day ampao ni Kris Aquino

JERRY OLEA: Luv nina Manay Lolit at Kris Aquino ang isa’t isa.


Nang tudyuhin ni Manay Lolit si Kris sa Instagram kaugnay sa pagpunta nito sa birthday celebration ni QC Mayor Herbert Bautista, nag-reply si Kris.

Sabi ni Kris, kung inimbita siya ni Manay Lolit, sumaglit din sana siya sa 71st birthday celebration nito para ibigay ang ampao na dolyares ang laman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Follow-up post ni Manay Lolit sa IG, malabong pumunta si Kris dahil sa Crame ito nagdiwang noong Mayo 19, Sabado, 11 a.m. to 4:30 p.m.

“Pero sure ako waley niya tuparin iyon kung invite siya at dumaan, dahil sa Crame ako nag-birthday sa pa-lunch ni Bong [Revilla],” hirit ni Manay Lolit sa IG nitong Mayo 26, Sabado nang umaga.

“Sure ako, di siya punta doon.

“Baka kay Senator Leila de Lima siya dumaan. Hah hah hah!”

Naku Salve ha, type ko iyon team ni Kris na pag may nabasa ipinararating agad sa kanya para basahin, at pag nabasa na niya, answer agad ang Kris Aquino. At bongga Salve ha, may promise siya ng belated birthday gift na ampao with $ inside, bongga. Pero sure ako waley niya tuparin iyon kung invite siya at dumaan dahil sa Crame ako nag-birthday sa pa lunch ni Bong Revilla, sure ako di siya punta duon, baka kay Senator Leila de Lima siya dumaan hah hah hah. Pero sabi ko nga, si Kris mabait basta wala sumpong, iyon mga nagdaan araw siguro kaya marami siya drama, matindi sumpong niya, hah hah. Tama rin siya, iyon nagdala siya sarili niyang glam team nang mag-shoot, show of power na hoy si Kris Aquino to noh, hitsura ma-shock ang team Hollywood hah hah. Siyempre wala naman laban iyon ibang stars dun, sino anak ng hero at dating presidente, sino ang nagkarun ng 2 presidente sa pamilya, ako iyon, si Kris Aquino. Bongga talaga pasabog ang Tetay. Sabi ko nga, lagi siya newsmaker , lagi siya grandstander, lagi siya nasa news, kasi naman si Kris Aquino siya. Ay naku tanggapin na natin, sa sobrang pagmamahal ni Kris sa showbiz, no matter what makakabalik siya, kasi nga siya na mismo ang Showbiz. Galaw niya, salita niya, gawin niya, dun umiikot lahat ng attention, pinag-uusapan, iba ibang opinyon. Bongga talaga si Tetay, forever news , hah hah , ang utang na gift ipadala na agad hah hah. #instatalk #lolitkulit @krisaquino �???

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Kabilang sa inimbita ni Bong sa pa-lunch kay Manay Lolit ay si Gabby Concepcion, na may bitbit pang isang kahon ng imported truffles from Paris, France.

Masigabo ang palakbakan ng mga bisita ni Manay Lolit nang dumating si Gabby.

“Teary-eyed lang ako, pero hindi ako umiyak, 'no?!” talak ni Manay Lolit.

Nakiusap si Gabby sa press people doon na huwag na silang intrigahin ni Manay Lolit para hindi na sila magkagulo.

Medyo nagtagal din si Gabby sa pakikipagkuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ng dalawang Kapuso executives na may drama series silang ikinakasa para sa papalicious actor.

At dahil malabo nang mag-reunion movie si Gabby with Sharon Cuneta, bet ba ni Manay Lolit na kay Kris na makipagtambal muli si Gabby sa pelikula?

Sagot ni Manay Lolit, “Bakit hindi?

“At isama na lahat ng ex niya... Janice [de Belen], Dindi [Gallardo] at Jenny [Syquia] para walang ma-left out.

“At si Sharon naman, lahat din, ex.

“Si Robin [Padilla]... si Goma [Richard Gomez], Rowell [Santiago], sino pa?

“Bakit konti lang? Itinago ba iyong iba? Teka, halukayin natin! Paramihan!

Ex Lahat ang title.”

NOEL FERRER: Wala na lang ungkatan ng nakaraan, hindi na naman ganyan ang audience ngayon.

Story is king, kaya dapat talaga maganda istorya at pagkakagawa.

Nag-post na si Shawie ng pagkakaroon ng bagong pelikula with Star Cinema.

Nataon namang nag-message din si Goma sa akin ng pagkumpirma ng paggawa niya ng isang pelikula soon, at ang sabi niya ay ikatutuwa ko raw yun kapag nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sana nga, isang Sharon-Goma project na ang inihahanda ng Star Cinema. Sana talaga!

E, kumusta na pala ang pelikula ni Kris, Boss Jerry?

JERRY OLEA: Anong petsa na?! Hanggang ngayon, abang-abang pa rin ako sa teaser o trailer ng pelikula ni Kris with Julia Barretto and Joshua Garcia.

Malamang sa alamang, postponed ang showing nito na itinakda noon sa June 13.

Pakiwari ko e ayaw madaliin ng Star Cinema ang shooting nito, lalo pa’t isa ito sa 25th anniv presentations ng nangungunang film company sa bansa.

Samantala, nakatakda sa Agosto 15 ang playdate ng pelikulang Crazy Rich Asians kung saan may cameo si Kris.

GORGY RULA: Nag-text sa akin kagabi si Kris Aquino na sabihan ko raw si Nay Lolit na basahin na ang comment niya sa IG post ni Nay Lolit tungkol sa kanila ni Mayor Herbert Bautista at sa pelikula niyang Crazy Rich Asians.

Alam kasi ni Kris kung paano i-charm si Nay Lolit—pinangakunan ng ampao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya umagang-umaga kanina kinukulit na ako na kunin ko na raw kay Kris.

Hindi pa naman nagsabi sa akin si Kris na puwede ko nang kunin.

Pero tiyak na hindi na aabot sa paglubog ng araw, makakatanggap na ako ng text kung saan nila ipadadala ang birthday gift kay Nay Lolit.

Keber ba ni Nay Lolit kung ano yung mga paliwanag ni Kris sa participation niya sa Crazy Rich Asians.

Ang importante, maharbatan niya ito uli.

Kaya huwag sana patagalin ito ni Kris, at baka mainip si Nay Lolit sa paghihintay ng ampao, at kung ano ang maisipan nitong i-post sa Instagram account niya.

Saka knowing Kris, kung naalala lang ni Nay Lolit na imbitahin ito sa Camp Crame para dalawin si Sen. Bong Revilla at maki-birthday doon sa kanya, puwedeng pupunta iyun.

Kapag libre yan, gagawin niya yan.

Yun nga lang magkaka-awkward moment lang sa pamilya nina Sen. Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Abangan na lang natin ang post ni Nay Lolit kapag natanggap na niya ang birthday gift ni Kris sa kanya.

Hindi kaya ang ending si Nay Lolit na uli ang manager ni Kris Aquino?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close