Pacman, may ibubuga pa ba sa future fights?

by PEP Troika
May 26, 2018

JERRY OLEA: Nanawagan si Jake Joson (member ng Team Pacquiao) sa mga Pilipino kaugnay sa Fight of Champions match nina Pacman at Matthysse na nakatakda sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.


“Si Senator Manny, ang mahal nating senador, ay inaanyayahan ang lahat, sambayanang Pilipino, na suportahan siya sa mga... ako, sa nakikita ko... maybe last two fights, or three fights, depende kung anong magiging resulta niya dito sa laban na ito,” maigting na pahayag ni Jake nitong nakaraang Mayo 24, Huwebes nang hapon sa Annabel’s, T. Morato Ave., Q.C.

Continue reading below ↓

“So, kailan na lang nila ulit makikita yung isang Manny Pacquiao na lalaban?

“So, wala na... So, may pag-asa lang tayo sa tatlong laban na makita natin ang isang pinakamagaling na boksingero sa Pilipinas, at Pilipino...

“The only boxer na nakakuha ng eight division world title, at eight division weight class. Wala pang nakagawa no’n!

“So, sana tayo, as a Filipino, maramdaman natin na nag-iisa lang ang Manny Pacquiao.

“So, itong mga huling laban niya, panoorin po sana natin. Suportahan po sana natin lahat ang ating mga istasyon.

“At sisiguraduhin ko sa inyo, makikita niyo si Manny dito, si Senator Manny Pacquiao, na parang nag-uumpisang ... gutom na Pilipinong boksingero.

“Iyon lang po ang maipapangako ko sa inyo.”

Simulcast sa ABS-CBN, GMA-7, TV5, Cignal TV at Sky Cable ang bakbakan nina Pacman at Matthysse para sa World Welterweight Championship.

Kumusta naman ang pag-eensayo ng Pambansang Kamao?

Tugon ni Jake, “Iyong training po natin, on course po tayo.

Continue reading below ↓

“Kararating lang po ni Coach Justin Fortune, yung conditioning coach ni Senator Manny.

“Sa nakikita ko, maganda yung pacing ng kanilang training ngayon.

“So, siguro, next week, magiging intense na po yung training niya.

“Darating na po yung mga sparring partner.

“So, makakakita na kayo ng ibang level ng training na gagawin ni Senator Manny.

“At siguro, two weeks from now, recess na rin po kami sa Senate.

“So, wala na po tayong magiging problema, sagabal, sa kanyang pag-eensayo,” pagtatapos ni Citizen Jake Joson.

GORGY RULA: Ano? May mga susunod pang laban?

Sa totoo lang, tiklop ako at buong ningning na nagpupuri kay Sen. Manny Pacquiao sa karangalang ibinigay sa ating bansa.

Maituturing na rin siyang bayani. Wala na siyang dapat pang patunayan.

Kaya sana, tama na yan.

Kung gusto niyang mag-focus sa bagong career niya bilang promoter sa kanyang MP Promotions, mas okay iyun.

Marami pang trabahong maibigay sa iba, lalo na kay Jake Joson na noon pa tinaguriang Pambasang anino ng ating Pambansang Kamao.

Continue reading below ↓

Sana maibenta nila nang mabuti itong darating na laban para lalong mamayagpag ang MP Promotions.

Mas marami pang pagtuunan ng pansin ni Sen. Manny, hindi lang sa larangan ng boxing.

Matagal nang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon anga ating mga atletang hindi sikat.

Sana mapag-aralan ito nang husto ni Sen. Pacquiao at baka may maitulong ang kanyang MP Promotions.

Kung ano man ang magiging resulta ng laban niya ngayon, malamang na may mensahe na ang Diyos sa kanya kung ano ang susunod niyang tatahakin.

Ang tingin ko kasi nung natalo siya sa huli niyang laban, meron nang gustong iparating sa kanya ang ating Maykapal.

Alam na niya kung ano yun!

NOEL FERRER: Ang katawan na mismo ang bumibigay, at sana pakinggan ito ni Senator Manny.

At ang isip at diwa, sana maging concentrated na si Manny sa pagkamahusay niyang Senador.

Yun na lang.

Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results