Atom Araullo masyadong busy para patulan ang anumang isyu

by PEP Troika
May 27, 2018

JERRY OLEA: As of May 27, Sunday, 10:15 a.m. e 47 sinehan sa bansa ang pinagpapalabasan ng pelikulang Citizen Jake. Tweet iyan ng Solar Pictures.

Ang bida ng pelikula na si Atom Araullo ay nagre-retweet kaugnay sa obra maestra ni Direktor Mike de Leon.

Tahimik pa rin lang si Atom sa mga parunggit ng 71-anyos na direktor kung saan sinabi niyang, "He disappointed me," sa Facebook.

Marami kasing pinagkakaabalahan si Atom.

Tampok ang episode na “Shark Land” sa The Atom Araullo Specials ngayong Linggo nang 4:30 p.m. sa GMA 7.

Kaugnay ito sa whale shark (butanding) watching sa Oslob, Cebu na dinarayo ng mga turista.

Ooops! Naalala tuloy namin ang sabi ng isang BIO (Butanding Interaction Officer) sa Donsol, Sorsogon last month.

Aniya, ang butanding interaction sa Donsol ay eco-tourism...hindi eco-terrorism.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: With his two new awards—Gold Medals from the 2018 US International Film and Video Festivals for "Philippines Seas" (The Atom Araullo Specials) and "Silang Nakalimutan" (I Witness)—isa na namang napakagandang documentary ang handog ni Atom sa “Sharkland” (The Atom Araullo Specials) mamayang 4:30 p.m.

Tahimik at mabait lang talaga si Atom sa lahat ng mga lumabas na batikos sa kanya sa Citizen Jake, lalo pa’t tinaon pa ito sa paglabas ng pelikula.

Bad. Bad timing at ‘wag patulan. Tuloy sabi ng iba nating kapatid sa panulat na sina Allan “Pak” Diones at Alwyn “Gems” Ignacio, ano ba talaga ang gusto nitong mangyari kay Atom?

Hindi ko rin talaga mawari kung ano—at bakit sobra na lang ang poot nito sa taong sobra ang tiniis sa proseso ng paggawa ng pelikula.

Mas maganda na lang sigurong magpatotoo ang mga naging kasama sa produksyon nila na witness sa pinagdaanan ng iba pa.

Ang alam ko lang, sa pananahimik at pagpapakabuti ni Atom, hawak at taglay nito ang lahat ng emails at correspondences na nagtataglay ng katotohanang tunay na “disappointing.”

Stop the hate everyone! Watch Sharkland (The Atom Araullo Specials).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results