Jenine Desiderio, sumablay sa tribute para kay Marco Sison sa ASAP

by PEP Troika
May 28, 2018

NOEL FERRER: Pagkatapos mapanood ang ASAP kahapon, May 27, lalo na ang "ASAPinoy" segment na tribute sa music ni Marco Sison, medyo napailing ang lahat sa pagkanta ni Jenine Desiderio ng awitin ni Marco na “I’ll Face Tomorrow.”

Medyo kumalabyos ang kanyang tono o hindi ganun katatag ang pagkakakanta.

Ultimong si Jed Madela na nagse-second voice ay umalalay na lang sa kanya dahil hindi masyadong definitive ang pagkakakanta ng melody.

Sayang at hindi nag-soar ang number nila, at si Jed pa naman na power belter ay hindi nakaalagwa.

Anyare kaya, Tito Gorgy? Nakausap mo si Sir Homer Flores kahapon, di ba?

JERRY OLEA: Alam na nating napakagaling ni Jed sa kantahan.

Marunong din siyang magbigay sa mga kapwa mang-aawit.

Hindi naiiwasan sa live performances ang mga pagkukulang at pagkakamali.

Babawi at babawi si Jed.

GORGY RULA: Nakakaloka nga, Sir Noel, kasi narinig kong pinag-uusapan ng ilang kaibigang nakapanood sa segment na yun sa ASAP.

Continue reading below ↓

Ang nakarating sa amin, nagpalusot pa raw si Jenine na hindi niya kasi nakuha ang study tape. Pero inaral naman daw niya ang kanta.

Kaya lang, may mga araw na hindi naman nasa kundisyon ang isang magaling na singer.

Sabi nga ng kanta ni Jenine, “Hindi ako si Darna!” Hindi naman tayo perfect.

Pero sa totoo lang, ewan ko kung agree kayo sa akin.

Kung walang isyu si Jenine sa kanyang anak na si Janella Salvador, yung hindi pinag-uusapan ang hidwaan nilang mag-ina, malamang na hindi na rin mapapansin yung pagkakamali niya sa ASAP.

Siyempre Jenine Desiderio siya, ina ni Janella Salvador, konting mali lang sa ASAP, pansin na agad at pinag-usapan ng mga kabadingang matalas ang pandinig.

Hindi na starlet ang turing sa kanya, di ba?

Kasi naalala ko, ilang taon na ang nakararaan, in-introduce siya ni Patricia Hizon sa isang event na "starlet."

Nagalit nun si Jenine at naging isyu pa na pinatulan namin noon sa Startalk. Nag-sorry naman si Patricia.

Continue reading below ↓

Ngayon, ipaglalaban kong hindi starlet si Jenine Desiderio. Mommy siya ni Janella Salvador!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results