Ice Seguerra, naninibago sa bagong kalakaran sa music recording

NOEL FERRER: Nakasama namin sa pre-departure area ng NAIA Terminal 4 ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño.

Papunta sila sa Batanes para sa Rebelde Camp at Sine-Kabataan na kasama sa continuing education program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).


Nang makausap ko naman si Aiza, naibalita niyang in-the-process siya ng paggawa ng bagong album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon siya ng oras para gawin ito pagkatapos niyang mag-resign bilang National Youth Commission Chairperson (NYC).

Hindi lang daw niya maunawaan na parang iba na ang kalakaran ngayon sa music recording.

Parang lahat na raw ay thru digital release na ang mga kanta, at hindi niya sigurado kung may physical album (in CDs) pang ibebenta sa album na binubuo niya ngayon under Universal Records.

Napaka-passionate ni Ice sa kanyang musika, kaya’t may nakalimutan na si Jerry na itanong sa dating child wonder.

Ano nga ba yun, Jerry?

JERRY OLEA: How wonderful of you to remind me, Tito Noel.

Pero kinalimutan ko muna ang P10M-question na iyon dahil nakakaasiwang uriratin sa kaswal na chikahan.

May tumpak na forum para sa ganyang usapin.

Kung ano’t ano man, nakakaagapay si Ice sa pagbabago ng ihip ng hangin.

May bago siyang nalikhang awit, at mukhang masigasig siyang mag-mall tour upang i-promote ang kanyang musika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiwari ni Ice ay hindi na CDs na pipirmahan ng fans ang ibebenta sa kanyang promo tour, kundi merchandising items lang t-shirts.

GORGY RULA: Ang napansin ko kanina sa airport, talagang kinokorek ni Ice ang mga taong tumatawag sa kanya ng Ma'am pag nagpa-picture.

Sabi pala ni Ice, kahit wala na siya sa NYC, tuloy pa rin ang suporta nya sa mga projects ni Chair Liza Diño sa FDCP.

Kagaya ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa August, hands on si Ice sa pag-asikaso sa Sine Kabataan na sinimulan na niya nung binuo ang 2nd PPP.

Pero natutuwa rin siya dahil hindi siya nawawalan ng raket bilang singer magmula nang mag-resign siya sa NYC.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close