Ronnie Alonte, dinumog ng fans habang kumakanta sa Camarines Sur

by PEP Troika
May 29, 2018

JERRY OLEA: Dumagundong ang municipal covered court ng Ragay, Camarines Sur nitong Mayo 29, Martes, bandang 1:11 p.m., nang ihayag ng program host na lalabas na sa entablado si Hashtag Ronnie Alonte.


Halos mabingi kami sa sigawan ng fans na hindi magkamayaw, karamihan ay mahigit pitong oras nang naghihintay para masilayan siya.

Continue reading below ↓

Guest performer si Ronnie sa timpalak na Ginoo at Binibining Ragay 2018 noong gabing iyon.

Pag lumalapit si Ronnie sa fans habang kumakanta ay tila hibang na hibang sa kilig ang kanyang mga tagahanga.

Alerto ang security men dahil lalong naging intense ang fans nang magtanggal si Ronnie ng jacket.


Continue reading below ↓

Matapos ang tatlong awit ay lumapit si Ronnie upang makipagkamay sa lumpon ng fans na pinakamalakas ang sigawan.
Boom!

Sugod ang fans, nalokah ang outgoing Binibining Ragay na taas-taasan pa man din ang korona dahil natabig siya!

Pumalibot kay Ronnie ang security men at inawat ang nagkakagulong fans.

Iniakyat si Ronnie sa stage at habang pa-exit ay nasapul ang isang prop na pillar.

Bagsak sana ang pillar, buti at nasalo ni Gorgy na TC (talent coordinator) sa programa.

NOEL FERRER: Kitang-kita ang tuwa sa mga tao sa pagiging accommodating at professional ni Ronnie na labis na ikinatuwa ng congressman nilang si Nonoy Andaya at asawa nitong si Marissa at si Mayor Taddy Ramos.

Continue reading below ↓

Ultimo ang reigning queen ay kumaripas din ng takbo nang dumugin na si Ronnie para umiwas na mahablot ang kanyang korona.

Mahusay palang kumanta si Ronnie. Hindi lipsynch o plus one ang gamit kundi boses niya talaga.

Magaling din siyang sumayaw. Sana mas humusay pa siya sa pag-arte.

Mag-focus lang si Ronnie, malayo pa ang mararating nito—with or without a ka-love team.

GORGY RULA: Nagulat nga ako na magaling palang mag-perform si Ronnie, na tingin ko nung una, ganda lang ng mukha meron siya. Hindi pala.

Sinabi rin niyang mas gusto niyang kumanta kesa sumayaw gayong dun siya nagi-excel.

Nahihiya raw siyang sumayaw, mas kumportable raw siya sa pagkanta.

Nilinaw na rin namin doon kay Ronnie yung pagkukumpara sa kanilang mga Hashtags member.

Marami kasi ang nagsasabing naungusan na raw ni Jameson Blake si Ronnie, lalo na ngayong sunud-sunod na ang mga pelikula nito.

“Hindi kami affected dun. Sabi lang ng mga tao yun. Wala yun sa akin,” sagot ni Ronnie.

Continue reading below ↓

Kahit nakikitang mas close siya kay Zeus Collins, nandiyan daw ang suportahan nilang Hashtags members.

Suportado raw nila ang pelikula ni Jameson na So Connected.

“Manonood dapat talaga ako ng movie niya kung wala lang akong ganap… yung So Connected,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, ipinagkibit-balikat na lamang ni Ronnie ang ibang namamalisyahan sa closeness nila ni Vice Ganda.

Nitong nakaraang concert series ni Vice sa Canada at Amerika, si Ronnie ang kasama niya roon at marami ang nagbibigay ng malisyosong komento dahil siya lang ang isinama.

“Matagal na 'yan. Hindi na kami apektado.

“Close naman talaga kami. Kami nina Zeus close kami sa kanya….parang nanay-nanay namin siya,” pahayag ni Ronnie.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results