Darna ni Liza Soberano, hindi kasama sa MMFF 2018 script submission

NOEL FERRER: Pagkatapos ng deadline ng scripts para sa 2018 Metro Manila Film Festivals kahapon, May 31, mayroong total na 24 scripts na na-submit from 23 production companies.

Paano naging 23 companies? Maraming co-productions na nag-submit, meaning kung minsan ay may hanggang tatlong film companies ang nagsasama sa isang script.

Exciting ang lineup ng mga nagsubmit, pero hindi na sasabihin ng MMFF Execom ang titles at film productions para walang stigma kung hindi man sila mapili.

Malalaman ang unang four official entries sa June 29.

Sa tanong kung isinali ang hinuhulang major film na Darna sa mga nasubmit na script, ang sagot ay HINDI.

Tulad naman ng naunang nasabi na ng Star Cinema, hindi pang-MMFF ang Darna.

Hintayin na lang natin kung isa-submit pa ito bilang finished film na may September 21 deadline.

Never say never!

JERRY OLEA: Teaser pa lang noon ng Darna ni Direk Erik Matti ay pinagkagastusan na.

Ibang-iba sa mga naunang Darna movies.

Inaasahang sa pelikulang ito magniningning nang husto ang pagiging bituin ni Liza Soberano.

Mas exciting ang MMFF 2018 kung nandiyan si Darna, na makikipagbakbakan sa film fest entries nina Vice Ganda at Vic Sotto-Coco Martin!

GORGY RULA: Napag-alamang tatlo raw ang isinumite ng Star Cinema.

Isa raw ang kay Vice Ganda, na Fantastic Vice ang working title, ang isa naman ay ang kay Charo Santos, at ang isa ay si Maja Salvador ang bida.

Pero hindi naman yata mga commercial na material ang pipiliing script.

Abangan na lang natin ang announcement ng first four entries sa June 29.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN