Kris Aquino-Mocha Uson word war lalong umiinit

by PEP Troika
Jun 7, 2018

NOEL FERRER : Kung paniniwalaan ang kumakalat na anunsiyo—sa kauna-unahang live guest appearance, pagkatapos nang mahigit dalawang taon, ang dating mag-kontrapelo—si Kris Aquino, magbubukas ng kanyang loob sa Cristy Ferminute, ang programa ni Cristy Fermin.

Tututukan kung paano tutugunan ni Kris ang mga napapanahong isyung kanyang kinasasangkutan!

Mamayang hapon na yan, June 7, 4 to 6 p.m. sa Radyo Singko 92.3 News FM, Aksyon TV41, News5 International.

Samantala, kinakampihan siya ng ibang personalidad laban kay Mocha Uson.

Ang tanong ng mga tao, sadya bang pumiyok daw si Kris nang masaling ang kanyang pamilya, pero biglang bumalikwas at naging pansarili ang laban nang suportahan din ang ilang personalidad tulad ni Bong Go?

Pero totoo bang just a matter of time na lang bago tigbakin sa kanyang posisyon sa PCOO si Asec Mocha?

Lumalawak na ba ang suporta sa #FireMocha petition?


Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Asset pa ba si Mocha sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte, o isa nang liability?

Considering ang laki ng suweldo ng tinaguriang Queen of Fake News, nakakalukring na lumihis siya sa paghingi ng paumanhin ng kanyang amo.

Ang kanyang mga pasabog... talbog ang bulkang Mayon!

Maski ang ibang maka-Duterte, hindi siya kinampihan sa alitan nila ni Kris.

Marami namang matitinong pro-Duterte na pwedeng pumalit sa kanyang puwesto oras na sibakin siya!

GORGY RULA: Iisa ang obserbasyon ng ilang showbiz personalities; itong gulo ng dalawa, mas nakikinabang ngayon si Kris Aquino.

Sabi nga ng isang showbiz personality na may posisyon sa gobyerno, pinayuhan na raw niya si Mocha na huwag nang sagutin si Kris, pero hindi naman siya sinunod.

Kaya lalong uminit at nagkaroon ng pagkakataon si Kris na magsalita, na ang ending siya ang nakinabang dahil sa kanya napunta ang simpatiya ng karamihan.

Kaya huwag na tayong magtaka na sa 2019, mangangampanya na sa atin si Kris Aquino.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results