Kanya-kanyang projects na ba sina Alden Richards at Maine Mendoza?

JERRY OLEA: Tampok si Maine Mendoza bilang Laura Patola sa Daig Kayo Ng Lola last Sunday, June 3, sa GMA-7.

Sa episode na “Pepe and the Werpa Kids” ng DKNL sa Linggo, Hunyo 10, ay gaganap naman si Alden Richards bilang Jose Rizal.

Nauna nang gumanap si Alden bilang National Hero sa Kapuso bayaniserye na Ilustrado (2014).

Ang episode ni Alden sa DKNL ay kaugnay sa ika-120 pagdiriwang natin ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, Martes.

Sa Hunyo 19 naman ang 157th birth anniversary ni Rizal.

Sakaling i-remake ng GMA Films ang pelikulang Jose Rizal, kering-keri itong pagbidahan ni Alden, di ba?!

Siyanga pala, available na ang kantang "Superhero Mo" sa iTunes at Spotify para sa download at streaming.

Iyon ang theme song ng bagong primetime series ni Alden na Victor Magtanggol. Ang nag-perform nito ay ang Ex Battalion, at tampok dito si Alden.

NOEL FERRER: 'Yan na ba talaga ang kasasapitan ng AlDub tandem?

Hiwalay na sila ng projects?

Para sa mga die-hard fans, umaasa silang pansamantala lang 'yan kung sakali.

Mas maganda ang reunion project kapag naghiwalay muna sila sa kani-kanilang proyekto.

Kung may teleserye si Alden, baka bagay naman kay Maine ang sitcom o isang talk-magazine show. What do you think?

GORGY RULA: Sa ngayon qy sa Eat Bulaga! na lang muna sila nagsasama. May kanya-kanya silang career plan.

Pero ang nakakatuwa, nandiyan pa rin ang AlDub fans na umaasang magka-project pa silang magkasama.

Naka-focus ngayon si Alden sa Victor Magtanggol.

Puspusan ang parkour training niya para sa mga action scenes na gagawin niya sa naturang serye.

"Ibang-iba ito sa nagawa ko, kaya excited ako dito, at napamahal na sa akin ang karakter ni Victor Magtanggol," pakli ni Alden.

Nakunan na nga raw ang isang action scene niya sa isang palengke na nagpatalun-talon at dumadausdos sa tiles.

Kaya pinag-aralan raw niya nang husto ang parkour dahil gusto niya na walang magdu-double sa mga action scenes niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN