Magsasanib-puwersa ang original Sang'gres ng Encantadia para sa isang online project

by PEP Troika
Jun 8, 2018

NOEL FERRER : Ang sabi ni Direk Mark Reyes sa kanyang post kagabi, “We made it official tonight. #sanggreproductions @m_sunshinedizon @dianazubirismith @missizacalzado @anakarylle”

Ibig sabihin nito, tuloy na tuloy na ang proyektong gagawin nila para sa isang online entertainment service.

Mula Sanggre sa Encantadia, isang pelikulang mula sa tunay na buhay ang inihahanda nila para sa atin lahat.

Noong isang linggo, nag-volt in din sila sa Edsa Shang at nang tanungin ko ang aking talent na si Iza Calzado, heto lang ang kanyang nasabi, “We are all excited for our upcoming project especially since it will be our first time to be producers.”

Hindi ba’t maganda na ang artists mismo ay may taya sa kanilang gagawing proyekto?

Isang panibangong learning ito sa mga tulad nina Iza, Karylle, Diana, at Sunshine, na for sure magiging hands on sa kanilang pagiging producers. Good luck!

JERRY OLEA: Humina na talaga ang bentahan ng pirated DVDs.

Continue reading below ↓

Marami kasing pirated movies na napapanood sa internet, halimbawa, sa YouTube at Facebook.

Nagkalat din ang links kung saan puwedeng i-download ang mga iyon.

Ang ibang mga dating suki ng pirated DVDs, nanonood na sa Netflix o iFlix, kung saan libu-libo ang mga pelikula at TV shows, luma man o bago.

Sa Netflix muna ipinalabas ang series na Amo, na pinagbibidahan nina Derel Ramsay, Vince Rillon, at Allen Dizon, bago ipinalabas ng TV5.

Ang 2017 movie na Birdshot ang unang Filipino film doon. Ito ay pinagbidahan nina Mary Joy Apostol, Arnold Reyes, Ku Aquino, at John Arcilla.

Then, ang 2016 Malaysian series na Moving On, kung saan leading men sina Gary Estrada at Ariel Rivera, kamukat-mukat mo ay nasa Netflix na.

Isang maaksyong pelikula na hindi pa naipapalabas sa local theaters ang mapapanood later on Netflix.

Para sa iFlix, naghahanda na si Direk Adolf Alix Jr. sa horror movie na pagbibidahan ni Kris Aquino at ng isang young actress.

Continue reading below ↓

Tinatapos lang ni Direk Adolf ang shooting ng pelikulang My Stepmother’s Lover, na pagbibidahan nina Sunshine Cruz, Kiko Estrada, at Martin del Rosario.

Si Kris naman ay nagsu-shoot pa ng pelikulang I Love You, Hater, kasama ang sina Joshua Garcia at Julia Barretto o mas kilala bilang JoshLia.

Kaya magandang balita para sa atin na may gagawin ang mga original na Sang’gre.Avisala!

GORGY RULA: Sinubukan nga naming tsikahin si Sunshine Dizon sa block screening ng Sid & Aya sa Vertis North cinema kagabi, June 7.

Pero parang ayaw pa muna niyang pag-usapan itong bagong venture nilang mga Sang’gre.

Nakatutuwa lang dahil hanggang ngayon ay solid pa rin ang friendship nilang apat, na umabot sa pagsanib puwersa sa isang magandang project.

Dito na rin mati-test kung gaano katatag ang kanilang pagkakaibigan dahil may pera na silang ilalabas dito.

Alam n'yo naman, minsan pag pera na ang involved, naiiba na ang takbo ng usapan.

Continue reading below ↓

Pero mukha namang solid ang kanilang friendship dahil ang dami na rin nilang pinagdaanan, buo pa rin sila at lalo pa silang naging close sa isa’t isa.

Naalala ko nga noon, nagkasama rin sa isang business venture sina Diana Zubiri at Cong. Alfred Vargas na naging close din sa Encantadia. Hindi ko lang maalala kung nagbakas din doon ang ilang kaibigan Sang’gre. Pero meron silang bar na itinayo sa Tomas Morato, Quezon City, na hindi naman nagtagal, nagsara na rin dahil nagkakaproblema sila noon sa iba pa nilang partner.

Hindi naman natinag ang friendship nina Diana at Alfred. Friends pa rin sila hanggang ngayon.

Sana bukod sa apat na original Sang’gre ng Encantadia, may special participation din dito sa movie project nila ang ilan pang naging bahagi ng programa, na kaibigan pa rin nila—kagaya nina Alfred, Jennylyn Mercado, Mark Herras at Dingdong Dantes.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results