Young Actress, napuno na sa pananamantala ng pamilya

by PEP Troika
Jun 8, 2018

GORGY RULA: Hindi kagandahan si young actress pero magaling, ma-PR, at higit sa lahat masipag.

Kailangang magsipag lalo ni young actress dahil mula nang maging artista siya nung bata pa, sa kanya na pala umaasa ang buong pamilya.

Hanggang sa ngayon, na lalong um-okay ang kanyang showbiz career, at nakapagbida na siya sa ilang pelikula, lalong umasa sa kanya ang mga magulang at lahat na kapatid.

Masaya naman si young actress na pagsilbihan ang buong pamilya, pero tila napuno na rin ito dahil sa kanya na lang lahat umasa.

Pati ang kuya ni young actress na nakapag-asawa at nagkaroon ng tatlong anak, sa kanya pa rin pala inasa.

Gastos sa binyag at pa-birthday ng mga pamangkin, siya pa rin ang may sagot.

Ang latest, ang bunsong kapatid na lalaki ay may nabuntis at pati raw pagpapa-hospital ng girl na nabuntis ay sagot pa rin niya.

Anong ginagawa ng kanilang magulang?

Continue reading below ↓

Si Mommy, nagi-enjoy sa pagsu-Zumba. Ang Daddy, wala ring katiyakan ang trabaho.

Ngayon ay napagtanto na ni young actress na kailangan na niyang mag-solo. Sariling kaligayahan naman ang isipin.

Pagkatapos niyang ayusin ang bahay ng pamilya niya, nagsarili na siya sa tulong ng non-showbiz boyfriend.

Ayaw sabihin ni young actress kung kasama ba niya sa condo unit niya ang kanyang boyfriend, na ang sabi ng aming source, ang guwapo raw ng boyfriend at mayaman.

Ka-partner ni young actress ang kanyang non-showbiz boyfriend sa kabubukas lang niyang coffee shop.

NOEL FERRER: Ilang beses na tayo nakarinig ng ganyang kuwento ng mga artistang kargo ang lahat sa kanyang pamilya.

Mabuti na lang at mabait na tao si young actress.

Pero napapagod at napupuno rin siya.

At isang relasyon nakakapag-ahon sa kanyang sitwasyon ang nagpapatibay sa kanya.

Sa ganitong pagkakataon, wala talagang pinipiling estado di ba?
Hindi ba’t ganito rin ang ganap sa isang super sikat na singer-actress ng makabagong panahon, na pag-ibig na rin lang ang nagse-save sa kanya? At least, hindi sila nagwawala.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Morena Martir ang peg ni young actress, na noong nainterbyu namin early this year ay buong ningning na sinabing donselya pa ang kanyang pagkababae. Wala pang aray!

May irog siya pero hindi siya kiri sa kamunduhan?!

Huwag kayong magtaas ng kilay!

Sa ngayon ay madalang na kung makapiling ni young actress ang kanyang inay, pero patuloy siyang nagbabahagi ng biyaya sa kanyang mga kapamilya.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results