Erik Matti, tinawag na 'fake news' ang nakitang balita tungkol sa Darna

NOEL FERRER : Dahil walang bagong balita tungkol sa bagong version ng Darna, bukod sa pagte-training ni Liza Soberano at iba pang cast members, lumutang ang isyung nagbitiw na proyekto si Direk Erik Matti.

Ngunit tinuldukan niya ang ispekylasyon at binasag ang kanyang katahimikan ukol sa proyekto.

Sabi niya, “I’ve been with the Darna project for 5 years now, and I’m still here along with my team.

“I may be a hard ass but I’m not a quitter.”

Tuloy pa ni Direk Erik, “When I accept a project, I see it through to the end whether it’s a tough climb or an easy one.”

Utang daw niya sa mga taong nagtiwala sa kanya at sa proyekto na manatili siya at bunuin ang anumang pagsubok.

“And for Darna, no matter the years we put in, our commitment to see it through stays. I am a finisher,” pagtatapos ni Direk Erik.

Busy man siya sa ginagawang Book 2 ng On The Job, napag-alaman nating may look test ulit ang ilang cast this weekend. So. tuloy na tuloy ang paglipad ni Darna with Direk Erik Matti.

JERRY OLEA: Teaser pa lang ng Darna ni Direk Erik Matti, ginastusan na ng milyones ng Star Cinema.

Tuluy-tuloy ang pagsasanay ng bidang si Liza Soberano para patunayan na karapat-dapat siya sa nasabing proyekto.

Huwag ninyong madaliin si Darna!

Sa tamang panahon, lilipad siyang muli!

GORGY RULA: Nabanggit na noon ni Direk Erik na naka-dalawang araw nang nag-shoot si Liza, pero natigil ito dahil tuluy-tuloy pa rin daw ang training.

Baka bandang end of September ay magri-resume daw sila nang shooting, at tuluy-tuloy na ito.

Kaya mukhang malabong maihabol yan sa MMFF 2018 dahil matagal pa ito, lalo na’t puliduhin nila ang effects nito.

Kaya abangan natin kung sa regular showing ba ito sa susunod na taon o sa MMFF 2019.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN