Planong launching movie ni Myrtle Sarrosa, hindi na matutuloy

by PEP Troika
Jun 8, 2018

GORGY RULA: Hindi napigilan ni Myrtle Sarrosa na maluha sa press conference na inihanda para renewal of contract sa endorsement niya sa Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners, na ginanap sa Oriental Palace sa Tomas Morato, QC kaninang tanghali, June 8

 

Natanong namin ang tungkol sa launching movie niyang ididirek sana ng namayapang si Direk Maryo J. delos Reyes.

 

Hindi na pala matutuloy iyon.

 

Sabi ni Myrtle; “Nalungkot talaga ako nung nawala si Direk Maryo.

 

“Nung 2017, hindi ko alam kung ano talaga ang kapupuntahan ng career ko.

 

“Pero si Direk Maryo, siya yung isa sa mga tao na talagang nagsu-support sa akin.

 

“Saka sinabihan niya talaga ako na may nakikita siyang star value sa akin.

 

“Nung sa Mowelfund may nilatag na siya na project for me.

 

“Nagbigay na ng script, gumagawa na kami ng schedule, tapos hindi pala siya matutuloy.

Continue reading below ↓

 

“Pero hindi naman sa project, mas nalulungkot ako na nawala na si direk.”

 


May gagawin pa rin naman daw siya sa Regal, pero iyong balak sanang pelikulang gagawin ni Direk Maryo sa kanya ay wala na raw iyun at hindi na niya gagawin.

Continue reading below ↓

 

Open pa rin naman daw siya sa proyektong magpapa-sexy, kagaya ng ginagawa niya ngayong isang fantasy-comedy na Wander Bra, na kung saan ang pink bra lang ang laging suot nito.

 

Kahit medyo magpa-sexy na siya, okay lang daw sa Megasoft Hygienic Products, Inc. dahil ang mahalaga patuloy pa rin daw siyang nakikisama sa advocacy nila na edukasyon para sa mga kabataan.

 

Iyon ang isa sa campaign ni Myrtle para katulong ang Sister Sanitary Napkins na ini-endorse  niya.



JERRY OLEA: Enero 6, Sabado, nang mainterbyu namin si Myrtle sa tradisyonal na pa-New Year party ni Direk Maryo J. de los Reyes sa Mowelfund Plaza, Rosario Drive, QC.

 

Excited ang dalaga sa launching movie niya na ipoprodyus ng Regal, sa direksyon ni Maryo J.

 

Magsu-shooting sana iyon sa Singapore.

 

“Ipinagpe-pray ko na matuloy na talaga siya,” sabi ni Myrtle.

 

Kaso, pumanaw si Direk Maryo noong Enero 27. Naudlot ang nasabing proyekto.

Continue reading below ↓

 

Pero tuloy ang buhay para kay Myrtle.

 

Dalangin namin na matupad ang pangarap ni Direk Maryo J na magningning nang husto ang kanyang pagiging bituin.



NOEL FERRER : Sayang naman at minalas si Myrtle sa pagyao ni Direk Maryo.

 

Bukod sa Wander Bra na pelikula, sana ay makahanap pa ng akmang vehicle ang UP honor student na dito na magiging daan ng kanyang pagsikat. Sayang kasi.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results