Mag-ex na Jolo Revilla at Lovi Poe, magkasama sa isang pelikula

JERRY OLEA: Si Jolo Revilla mismo ang nagsabi sa Instagram na si Rhian Ramos ang leading lady niya sa "72 Hours," isa sa tatlong episodes ng pelikulang Tres ng Imus Productions.

Tampok sa dalawa pang episode ang mga kapatid niyang sina Bryan at Luigi.

Pinost ni Jolo sa Instagram na tampok din sa "72 Hours" ang ex niyang si Lovi Poe.

Reunited ulit! Feels great to share the screen with this talented actress! @lovipoe

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Hindi ito isyu sa current girlfriend ng Cavite Vice Governor na si Jodi Sta. Maria.

Ang alam namin e nirekomenda noon ni Jodi na makatambal ni Jolo si Lovi sa nasabing episode!

I wonder... tumanggi ba si Lovi na maging leading lady dahil conflict sa busy schedule niya, o dahil may kissing scene with Jolo?

NOEL FERRER: Level Kisses Delavin pa ba sila?

I think they are all of age para tumanggap ng mature roles at gawin ang mga bagay bagay na may malay na sila.

Ngayon pa ba sila magpapabebe? Hindi naman yata bagay.

Basta masaya tayo na si Jolo at Rhian ay may pelikula—dahil bihira na ang nagkakaroon ng ganyan at kinakagat ng masang Pilipino.

GORGY RULA: Sabi naman ni Jolo, mas bumagay raw kay Rhian ang role, saka gusto rin talaga ng Kapuso actress na mag-action.

Bago pa nagsimula si Jolo ng shooting, nangako naman si Lovi na mag-guest siya. Magi-guest din dapat si Jodi, pero wala pa yatang available schedule na mabibigay ang Star Magic.

Ewan ko kung may balik pa si Lovi, dahil nung na-check ko sila kahapon, may ilang eksena pa raw na di nakunan dahil sa lakas ng ulan. Napilitan silang mag-pack up.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN