Nova Villa, todo hataw sa pelikulang Miss Granny

by PEP Troika
Jun 10, 2018

JERRY OLEA: Bidang-bida si Nova Villa sa unang teaser ng pelikulang Miss Granny, kung saan gurang version ni Sarah Geronimo ang papel niya.


“Alam mo, tuwang-tuwa ako,” nakangiting sambit ni Nova nang makatsikahan ng PEP Troika nitong Hunyo 9, Sabado ng gabi sa Cinematheque, FDCP, Kalaw St., Manila.

Continue reading below ↓

“I’m so happy! Kasi, di ba? Oo nga’t ano... matanda na ako sa showbiz, 'no?

“Pero pakiramdam ko, ngayon pa lang ako nabibigyan ng break!

“Hahahahaha! Yung gano’n! Ang ganda ng pelikula!”

Napanood ni Nova ang original version ng pelikula, ang 2014 South Korean comedy-drama film na Susanghan Geunyeo (na pinagbidahan ni Shim Eun-kyung, sa direksyon ni Hwang Dong-hyuk).

“I watched the Korean [version], ang gandaaaa!” bulalas ni Nova.

Medyo naiba ang approach ni Nova sa role ng lola sa pelikula.

“Pero hindi kami umaalis sa istorya,” pakli ng beteranang aktres.

“Gano’n talaga ang istorya. Ang aanuhin mo na lang, yung akting, yung how did we portray the original.

“Di ba, ano yan, sa Korean yan? There are about six or seven adaptations sa iba pang bansa.

“And next year, gagawin ng Hollywood. So, proud ako, di ba? Ginawa natin, Philippines...”

Continue reading below ↓

Mataginting ang halakhak ni Nova nang usisain namin kung sino sa kanila ni Sarah ang mas maganda.

Masayang pahayag ng beteranang aktres, “Uy, ang ganda niya! Nakita mo doon sa trailer? Yung sa huli, biglang ano...

“Ang ganda ni Sarah, ano?!”

Isa si Nova sa mga nagpugay kay Manay Ichu (Marichu Vera-Perez Maceda) bilang Mother of Philippine Cinema sa pagdiriwang ng Sandaan: Philippine Cinema Centennial nitong Sabado ng gabi sa Cinematheque.

GORGY RULA: Nagbida na rin naman si Nova Villa sa 1st Ko si 3rd na naging entry sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival nung 2014.

Itong Miss Granny naman ay susubukan kung eepek sa mga manonood na hindi si Nadine Lustre ang ka-partner ni James Reid.

Ang latest na nabalitaan namin, walang plano ang Viva Films na pagsamahin muli sina James at Nadine. Magkakanya-kanya muna sila ng proyekto.

Susubukan kung tanggap ba ng mga tao na si James ang ka-partner ni Sarah Geronimo.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nova Villa has always been known as a TV artist, kaya naman malaking hamon itong project na ito (after nung Cinemalaya project niya na 1st Ko Si 3rd) para ipakita niya ang husay niya sa paggawa ng kakaibang role for the big screen.

Ang tanong: sa suspension ng disbelief, may pagkakahawig ba sina Nova at Sarah?

Gaano nila ka-epektibo nagampanan ang mga papel nila?

That remains to be seen.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results