Young love team, hindi lubos ang tamis ng tambalan

by PEP Troika
Jun 11, 2018

JERRY OLEA: Matagal-tagal bago nakahanap ng swak na ka-loveteam ang sopistikadang young actress.

Nabighani sa kanyang ganda ang probinsyanong young actor, at nag-init ang kanilang tambalan.

Swak sa fans ang kanilang mga pa-kilig, nguni’t hindi matapus-tapos ang bulung-bulungan na ang pagtitinginan nila ay hindi lubos ang tamis.

Natsismis na si young actor ay nakikipagmabutihan sa non-showbiz girls at ikinadismaya iyon ng isang kapamilya ng young actress.

Bago pa mabulatlat nang husto ang isyu ay nag-damage control ang management at pinatahimik ang kapamilyang dismayado.

Pero iyon nga, may agam-agam sa puso ni young actor kaugnay sa “relasyon” nila ng ka-love team at natanto niyang hanggang pagkakaibigan lang sila.

Malamang sa alamang, ito’y dahil sa yayamanin at maimpluwensyang non-showbiz guy na malapit sa young actress.

GORGY RULA: Sana tatanggapin ng fans na ang love team ng mga young stars ay hindi kailangang magka-in love-an ang dalawang artista.

Continue reading below ↓

Kaya ba mahirap i-maintain ang AlDub loveteam dahil hindi naman nagkaka-in love-an sina Alden Richards at Maine Mendoza?

Pero itong dalawang bagets na ito ay mukhang swak na swak naman at bagay naman sila.

Napag-uusapang nagkakainteres na raw si young actor sa iba. Non-showbiz girl daw.

Si young actress ay na-link din naman sa iba, e. Non-showbiz din.

Super yaman daw at mas matanda lang nga raw sa kanya.

Hanggang tsismis lang naman iyon, na walang may nagkumpirma kung totoo o hindi.

Mahirap patunayan, pero hindi mamatay-matay ang kuwentong ‘yan.

NOEL FERRER : People are brought together by common values and common aspirations.

'Yan siguro ang sinusubukang ma-achieve ng lalaki at babae sa love team nila.

Pero it seems like they are not on the same page.

They may be able to act it out—their closeness and intimacy when needed and comfortable.

Pero lalabas at lalabas din ang katotohanang, they cannot complete each other’s sentences... Mahirap.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
love team, blind item
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results