Alfred Vargas, handang maging co-producer sa ginagawang proyekto ng Encantadia sang'gres

GORGY RULA: Mukhang kasado na talaga ang mga original Sang’gre na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri, at Karylle sa pelikulang ipu-produce nila.

Kasama nila rito si Direk Mark Reyes, na siyang magdidirek ng pelikulang gagawin.

??Ang isa pala sa kinontak din ng grupo ng Sang’gre ay si Cong. Alfred Vargas, na naka-close din nila nung ginagawa nila ang Encantadia.??

Nag-text daw si Direk Mark kay Alfred kung gusto nitong sumali at mukhang interesado naman siyang makasama ang mga close friends sa Encantadia.

??“I’m very excited for the Sang’gres kasi clamor na ng mga tao yan eh,” pakli ni Alfred.??


Open naman daw siya sa ideyang maka-partner sila sa pag-produce ng proyektong ito.??

“Kung mabigyan ako ng chance na makasama sila, I’ll definitely join them.

“Not just because it’s a project, but more on dahil kaibigan ko sila at excited ako na makasama ang apat na magagaling na artista ngayon,” dagdag na pahayag ng actor-politician.??

Sandaling nakatsikahan ng PEP Troika si Alfred sa San Benito The Farm sa Lipa, Batangas kahapon, June 10.?

Doon siya nagpalipas ng buong weekend dahil kailangan lang daw niyang magtanggal ng stress sa sunud-sunod na taping sa Kambal, Karibal at tambak ding trabaho sa tanggapan niya sa Congress.

Marami raw siyang tinatapos na isusumiteng bill at mga proyektong gagawin niya sa District 5 ng Queon City.

JERRY OLEA: Maliban sa apat na Sang’gre, sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang iba pang mga bida sa orig na Encantadia (2005).?

Kumikita pa ang mga pelikula kung saan bida si Dingdong o si Jennylyn.?

Sa ngayon, hindi masyadong mabango sa takilya sina Karylle, Sunshine, Iza, Diana at Alfred, pero kung sanib-pwersa sila... Teka!

Ipapalabas ba sa mga sinehan ang reunion movie ng mga Sang’gre? O direct-to-video (streaming) ang target audience nila?

NOEL FERRER : Exciting ang kalalabasan ng proyektong ito kung sakali.

Sana lang out of their comfort zone at yung gagawin nila ay iba sa nagagawa nila sa TV.??

Definitely, hindi na pang-telefantasya.

Sana rin nagwawagi ngayon ang melodramang-wagas ang drama.

Ano kaya ang nababagay na proyekto sa mga Sanggre and friends?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN