Mayor Lani Mercado, tinuloy ang pagbuo ng isang malaking event kahit nawala ang sponsorship ng TPB

by PEP Troika
Jun 12, 2018

GORGY RULA: Matinding pressure pala ang inabot ng Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla sa binubuo niyang malaking event na International Marching Band Competition, na gaganapin dito sa atin sa June 22 hanggang 24.

Nag-comit na pala ng sponsorship ang Tourism Promotions Board, na kay Cesar Montano pa noon.

Pero hindi na ito natuloy dahil sa resignation ng aktor.

Kaya kailangan daw nilang makalikom ng sapat na halaga para mapuno ang malaking kakulangan ng sponsorship na hindi na maibigay ng TPB ng Department of Tourism.

Ani Mayor Lani; “Nagkaroon ng konting problema ang Department of Tourism lately.

“Alam naman po natin na natanggal po yung dating Secretary, ganundin yung sa Tourism Promotions Board.

“Kaya nagkaroon po ng konting problema pagdating sa sponsors sa amin.

“Pero God is good, may ilang kumpanyang tumulong sa amin na nagbigay ng sponsorship.

“Kaya kami po ay nagpasalamat sa kanilang tulong.

“So, rain or shine at kahit nagkaroon ng konting problema sa Department of Tourism, tuloy po ang 1st International Marching Band Competition, ang Bacoor International Music Championship.”

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki ni Mayor Lani na nakilala ang Bacoor sa kanilang marching band.

Ito ang dahilan kaya tinanggap nila ang alok na mag-host ng International Marching Band Competititon, na first time na gagawin sa ating bansa.

Labing-isang bansa ang sasali sa naturang competition at magkakaroon din hiwalay na competition at exhibition ang 23 marching bands mula sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.

Magsisimula ang naturang kumpetisyon sa June 22.

Gaganapin ang opening ceremony sa Quirino grandstand at ang awarding ay gagawin sa SM MOA Arena, na dadaluhan ni Pres. Rodrigo Duterte.

Nandiyan pa rin daw ang suporta ng Department of Tourism.

Inimbitahan daw nila si Secretary Berna Puyat at ang OIC ngayon ng Tourism Promotions Board.

Nangako rin daw ng todong suporta ang Region 4 National Defense para sa security ng lahat na kalahok.

Parang mala-APEC daw ang security na ipapatupad ng National Defense.

JERRY: Mabuhay! Talagang “marching band” ang pa-bongga ni Mayora! Pang-international!

Continue reading below ↓

Sa Buhayani Festival ng Calamba City, Laguna last year, bahagi ng pagdiriwang ang marching band competition.

Ito ay nilahukan ng mga banda mula sa iba’t ibang bayan.

Level up sa Bacoor City, Cavite! Kaya naman ang mascot ng lungsod ni Mayor Lani, musikero ng bandang nagmamartsa.

Stuffed toy na ganoon ang regalo nila sa mga natatanging panauhin ng lungsod, gaya ng ipinagkaloob nila kay Coco Martin nang bumisita ito roon last December para sa promo ng MMFF 2017 entry nitong Ang Panday.

Teka, anu-anong bansa ba ang magpapasiklaban diyan? Kasali ba ang China?

NOEL FERRER : Kilala talaga ang Cavite bilang isa sa mga makasaysayang lugar ng ating kalayaan.

Nakikita ko rin ang pa-Zumba niya at iba pang mga programang pangkultura at pangkabuhayan.

Ang tanong—buhayin din kaya ni Mayor Lani Mercado ang kanyang pagiging aktres at sabayan din kaya niya ang banda-musiko niya ng pagkanta.

‘Wag ka, may hit song si Madame Lani : Sad Song ba ang title nu’n, Tito Gorgy?

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Lani Mercado
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results