Joanna Ampil, lumipad mula Shanghai para sa Urian Awards; nagwaging best actress

NOEL FERRER: Nagwagi ang aming talent na si Joanna Ampil bilang Best Actress sa katatapos lang na 41st Gawad Urian.


Nauna nang nagwagi si Joanna ng parehong pagkilala sa Metro Manila Film Festival 2017 para sa pelikulang Ang Larawan.

Nagwagi rin siyang Best Actress sa Gawad Pasado, Most Promising Actress sa Box Office Entertainment Awards, at Best New Actress sa PMPC Star Awards.

Galing si Joanna mula sa Shanghai, China.

Mula airport, tumuloy si Joanna sa Urian para mag-perform ng kanta niya sa Ang Larawan.

Tinatanong siya ng mga kaibigan natin sa media kung bakit sa lahat ng award-giving bodies, dito siya sa Urian nakarating.

Sagot ng Pinay international artist, “I want to attend them all. Buti nga umabot akon a PMPC Star Awards for Movies.

"Basta nominated ako, go sana ako. Kaya lang, I’m on tour with Cats , the Musicale.

"Actually, as God knows this, I asked the theater company to excuse me for four days sana so I could have attended FAMAS and Urian. Kaso, hindi ako pinayagan.

"I wasn’t allowed to miss the weekend shows when we have two performances per day.

"Naawa lang sila sa akin with Urian kasi weekday, kaya pinayagan na lang nila ako.

"Sabi ko, at least with me doing a song for the Urian, I may be able to thank all the award-giving bodies na for recognizing my work in my very first film, Larawan.”

At least bago siya umalis ng 4 a.m. mamaya pabalik sa Shanghai, nagwagi naman si Joanna bilang Pinakamahusay na Aktres!

JERRY OLEA: Kani-kanya ng pamantayan ang iba’t ibang award-giving bodies.

Sa 34th PMPC Star Awards for Movies, wagi sina Iza Calzado (best actress, Bliss), Raymond Francisco (best actor, Bhoy Intsik), Odette Khan (best supporting actress, Barboys), at Arnold Reyes (Birdshot).

Sa 66th FAMAS Awards, panalo sina Agot Isidro (best actress, Changing Partners), Allen Dizon (best actor, Bomba), Odette Khan (best supporting actress, Barboys), at Mon Confiado (best supporting actor, Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko).

At sa 41st Gawad Urian, kinilala sina Joanna Ampil (best actress, Ang Larawan), Abra (best actor, Respeto), Odette Khan (best supporting actress, Barboys), at Dido dela Paz (best supporting actor, Respeto).

Congrats sa lahat ng winners, lalo na kay Odette na mahigit apat na dekada na sa industriya ng pelikula, pero ngayon lang umaani ng parangal!

GORGY RULA: Kahit abala si Joanna sa stage, sana bigyan din niya ng oras ang movies.

Dapat masundan na ng isa pang dramang pelikula pagkatapos ng Ang Larawan.

Yung galing kasing ipinakita niya sa Larawan, parang tumaas ang expectations sa kanya na dapat ganun din siya kagaling sa mga susunod na gagawin niya.

Congratulatuons po sa lahat na mga nagwagi sa Gawad Urian.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN