Male host-singer, pinapalayas na ng pinsang anak ng yumaong TV host

by PEP Troika
Jun 14, 2018

JERRY OLEA: “Anong balak mo?”

Natigalgal ang male host-singer (MHS) nang itanong iyan ng kanyang lalaking pinsan, na anak ng namayapang showbiz personality (NSP).

Nakatira kasi si MHS sa naiwang bahay ni NSP.

Si MHS ang nag-aalaga sa bahay, at nagbabayad sa tubig, kuryente at mga kasambahay rito.

Ang anak ni NSP ay may sariling bahay, lalo pa’t nagkapamilya na ito.

Siyempre, kung legalidad ang pag-uusapan, ang may karapatan sa bahay ni NSP ay ang kanyang anak at mga apo.

Ipinapahiwatig ng anak na gusto niyang umalis na sa bahay ang pinsan na MHS, na matagal nang nakikitira roon.

Pakiwari ni MHS, ibebenta ng kanyang pinsan ang bahay at lupa, na nasa magandang lokasyon.

May kumplikasyon sa usaping ito, lalo pa’t ang anak ni NSP ay hiwalay sa asawa nito at mga anak.

May karapatan din siyempre sa bahay ang mga apo, pero ayaw nang maghabol ng ex-wife.

Continue reading below ↓

Hindi bababa sa P30 million ang halaga ng house and lot, plus ang mga kagamitang naiwan ni NSP.

NOEL FERRER: Sana maayos lahat sa ngalan ng magandang alaala at legacy ng pamilya nila sa industriya. Sana....

GORGY RULA: Respeto lang sana. Respeto lang sa totoong kadugo at paggalang na lang sa namayapang ama.

Sa totoo lang, kaya naman ni MHS na magsolo dahil may propesyon naman siya at mabubuhay siya.

Pero ang iniisip nito ay ang magandang alaala ng magtiyuhin sa bahay na yun.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results