Dalawang aktor na naghalikan noon sa indie film, nag-isnaban sa Urian Awards

NOEL FERRER: Isang miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang lumapit sa akin sa Urian Awards kagabi, June 14.

Tinanong niya kung may something ba kina Aktor M at Aktor S dahil may coldness at hindi raw nagpansinan sa red carpet.

Nagtaka ako dahil naging magkasama ang dalawa sa isang daring indie film kung saan nagbuyangyang sila ng kanilang mga hubog at may umaatikabong kissing scenes pa nga.

Nagkatuksuhan pa nga ang mga tao dun sa venue na baka may unfinished business sila.

O kung hindi man, sabi ng isang naging producer ni Aktor M, ay baka may professional jealousy or rivalry sila noon pa.

Talaga ba? Parang ibang mundo naman ang tinahak ng dalawa. Pati na sa mga choice ng partners nila.

Oh, well, at least pareho silang kinikilalang mahuhusay na aktor ng bagong henerasyon.

Sana talaga okey sila.

JERRY OLEA: Dahil kapwa versatile, hindi nauubusan ng proyekto sina S at M.

Sa iba’t ibang pamantayan, meron sa kanilang top at bottom.

Matapos ang mapupusok na halikan at salpukan na kanilang pinagsaluhan, nakakatikwas ng kilay ang lamig ng kanilang isnaban.

Pasasaan ba’t matutuklasan natin ang ugat ng kanilang hidwaan.

GORGY RULA: Iyon na nga! Pagkatapos nilang maglaplapan sa indie film na pinagsamahan nila noon, mag-iisnaban na ngayon?

Pagdating sa career, ang layo na kasi ng agwat ni S kay M kaya maaaring nagbago na rin ang una.

Marami kasi ang nakapansinng malaki na talaga ang ipinagbago ni S, kaya deadma na siya sa kahalikan niya dati sa pelikula.

Pero baka naman may mas malalim na dahilan.

Saka ano naman kung mag-isnaban silang dalawa? Ke lalaki nilang tao, may ganung drama pa sila. Lalaki iyan, ha?!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN