Ai-Ai delas Alas, target na mabuntis sa May 2019

GORGY RULA: Isi-celebrate din ng mag-asawang Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan ang Father’s Day sa Linggo, June 17, kahit wala pa silang baby.


“May baby naman kami, si Sailor,” nakangiting sagot sa amin ni Ai-Ai sa presscon ng concert ng Ex Battalion na ginanap sa Chang Ai Restaurant kagabi, June 14.

Si Sailor na sinasabi ni Ai-Ai ay ang alaga nilang aso na parang baby na ang turing nila.

Pero sinabi naman sa amin ni Ai-Ai na kailangang mabuntis na raw siya sa May 2019.

Ayaw lang niyang sabihin kung anong proseso para siya mabuntis dahil alam niyang hindi ito puwede sa simbahan, lalo na’t Papal awardee siya.

“Basta next year, sa May, game na game na talaga. After the elections,” pakli ni Ai-Ai.

“Hindi na talaga puwede, basta game na talaga,” dagdag niyang pahayag.

Tatapusin lang daw ni Ai-Ai ang mga natanguan niyang sorties na i-endorse at tutulungan niyang kandidato, at magpapabuntis na raw siya.

Sa ngayon ay pinagkakaabalahan daw muna niya ang babies din niyang Ex Battalion, na magkakaroon na ng first major concert nila sa July 14 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Kami ang ExB ang title.


Ipinangako ni Ai-Ai na hindi lang galing sa kantahan ang ipapakitang talent ng Ex Battalion kundi may iba pa raw silang talents na tiyak na ikatutuwa ng fans.

Sabi ng producer ng concert na Four Lights Productions, 11 days pa lang daw nilang ibinebenta ang tickets, 50 percent na ang nabili. Kaya kampante silang masu-sold out ito, at baka magkaroon pa ng second night.

Karamihan daw sa bumili ng tickets ay mga nanay at tatay na may mga anak edad lima hanggang siyam na taon na fans pala ng naturang grupo.

Kaya pampamilya raw itong concert ng Ex Battalion.

NOEL FERRER: Good luck kina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa kanilang pagtatangkang magka-baby.

Sana matuloy na magkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan.

Honest question ito: kailan kaya tayo magiging bukas sa pag-uusap tungkol sa alternatibong proseso ng pagbubuntis?

Hindi kaya ito na ang chance ibukas ang isip ng mga tao sa ganitong posibilidad?

Baka ito na rin ang updating ng pagtingin ng relihiyon sa ganitong mga bagong katotohanan. Sana sana...

JERRY OLEA: Nawa’y mabiyayaan ng anak sina Ai-Ai at Gerald, upang lalong tumibay ang bigkis ng kanilang pagmamahalan.

Siyempre, kung ang lalaking may-asawa ay hindi baog, pangarap niyang maipagpatuloy ang kanyang lahi.

Di ba’t sa showbiz ay may mga mister na iniwan o hiniwalayan ang misis nilang inutil ang sinapupunan?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN