Enrique Gil, tinanggal na sa Darna movie ni Liza Soberano

JERRY OLEA: Waley na si Enrique Gil sa Darna movie ni Liza Soberano.

Kinumpirma ito sa amin ng isang reliable source.


Ayon sa nasabing showbiz insider, hindi importante ang love interest sa pelikula ng Pinay superheroine na ididirek ni Erik Matti.

Nakatuon ang istorya niyon sa adventures ni Darna.

Sa pelikulang Pedro Penduko: The Legend Begins, magkasama pa rin sina James Reid at Nadine Lustre.

Sa 2016 graphic novel of the same title na pagbabasehan ng pelikula, may sexual tension sa mga karakter nila ritong sina Pedro Penduko at Maria Makiling, respectively.

Pero mas nakatuon ang kuwento sa adventures ni Pedro Penduko, partikular sa pakikipagtuos niya sa patriarch ng mga kapre.

Suporta si James Reid sa pelikulang Miss Granny ni Sarah Geronimo, pero wala silang love angle doon dahil maglola ang kanilang characters.


“It’s great. It’s a very funny movie,” sabi ni James nang makatsika namin sa paglulunsad ng Epik Studios nitong Hunyo 14, Huwebes ng gabi sa Cignal Experience Center, Reliance St. corner Sheridan St., Mandaluyong City.

“I love the script. She’s super-professional... It’s gonna be a hit!”

NOEL FERRER: Less ma-misconstrue ng mga die-hard fans, pero in the end, kailangan talagang maipares sa iba ang isang artista at mag-grow.

Tanggap dapat iyan, bukod sa mga artista, kundi pati mga fans para sabay silang mag grow at mag-mature.

Kung wala man si Enrique sa Darna ni Liza, nauna naman na si Enrique sa solo film niya noon na wala si Liza.

Nangyayari talaga iyan. Pati sa AlDub, mangyayari rin iyan. Kasama iyan sa growth mo as an artist.

Sana talaga pati ang fans mag- grow talaga.

Narinig ko rin na after Darna, may LizQuen movie din na gagawin sina Liza at Enrique.

GORGY RULA: Bakit ang dami nang issues ang Darna ni Liza Soberano, hindi pa nakakasa ang regular shooting nila?

Kung hindi ako nagkakamali, isang araw pa lang yata nakapag-shoot si Liza, 'tapos natigil dahil sa Bagani at tuluy-tuloy pa ang training.

Pero hindi nauubusan ng kuwento, ha?

Bakit hindi na lang muna magsimulang mag-shooting, saka na i-reserve ang mga isyu pagdating sa promo ng pelikula?

Sa nangyayari ngayon, promo muna bago ang principal photography.

Itong Pedro Penduko naman ni James Reid ay ipinatong sa promo ng Miss Granny.

Hindi pa nga nagsimulang mag-shooting, nagpa-presscon na.

Sana inuna na muna ang presscon ng Miss Granny bago ang Penduko para hindi magkalabu-labo ang mga pralala ng pelikula nila.

Marami pang puwedeng pag-usapan sa first time na pagsasama nina Sarah at James, biglang pumasok sa eksena si Pedro Penduko.

Nag-uusap-usap ba ang mga taga-Viva sa pagplano ng publicity at promo ng projects nila?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN