Hiwalayang Jodi Sta. Maria-Jolo Revilla, nakakalungkot

NOEL FERRER: Nagduda na tayo noong graduation ni Jolo Revilla nang walang Jodi Sta. Maria.

'Tapos, nasulat din ang tungkol sa birthday message ni Jolo kay Jodi na walang “I love you.”

“I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful 8 years! Happy birthday Jods! God Bless always.”

Yan ang birthday message ni Jolo kay Jodi na wala man lang daw term of endearment at yung lagi nilang tawagang “my love.”

Kumusta ba talaga sila? Does this mean 'thank you for the eight years and counting,' o 'thank you and goodbye' na talaga sila?


JERRY OLEA: Nakakalungkot.

Akala ko, dahil nalampasan nila ang seven-year itch bilang magkasintahan ay forever na ang kanilang pagmamahalan.

Pero ayan nga... some good things never last.

Matagal-tagal na pala silang hiwalay, ayaw lang pag-usapan ito ni Jolo.

Ibinuhos ni Cavite Vice Governor ang kanyang panahon sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, shooting ng 72 Hours (episode niya sa trilogy movie na Tres), at pag-aaral.

Tinuturuan ba ni Jolo ang kanyang puso na iwaksi ang pag-ibig kay Jodi?

GORGY RULA: Malapit ako kay Jolo, pero pagdating sa kanila ni Jodi, tipid ang mga sagot niya sa akin.

Minsan may naikukuwento naman siya, pero pinapakiusapang huwag ko nang isulat.

Pero ang pagkakaalam ko nga, matagal na silang break at nakikita ko naman kay Jolo na nahihirapan siyang mag-move on.

Ang maganda lang sa kanya, positibo at hindi nakaka-nega ang buwelta niya sa naturang breakup.

Bukod sa araw-araw na trabaho niya bilang Vice Governor ng Cavite, nakakapag-tape siya sa Ang Probinsyano, at natatapos niya ang shooting ng pelikula niyang Tres ng Imus Productions.

Naka-graduate na siya, at siguro isa na rin ito sa mga dahilan kaya gusto niyang mag-Amerika muna sa September para makapag-aral sa Harvard University.

Ang isa pang kinahihiligan niya pala ngayon ay ang gumawa ng mga kanta.

Napakinggan ko nga ang ilang kanta niya at talagang punung-puno ng hugot.

Nakalimutan ko na kung ilang kanta na ang nagawa niya, pero marami na nga raw siyang nagawa.

Pinalalapatan lang daw niya ng music sa mga kaibigang composer gaya ni Joven Tan.

Nakapag-record na nga siya ng ilang kanta at meron na rin siyang nagawa para gagamiting theme song ng pelikula nila.

Samantala, mukhang masaya naman si Jodi na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, June 16.

Nag-celebrate siya kasama ang mga kabataang may sakit sa National Children’s Hospital, at nanood siya ng concert ng Christian group na Hillsong sa Smart Araneta Coliseum.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN