Kris Aquino, pinaaga ang Pasko dahil sa mahigit P1M pa-raffle sa presscon ng I Love You, Hater

JERRY OLEA: Pasabog ang pa-raffle ni Kris Aquino para sa showbiz media matapos ang Q&A sa prescon ng pelikulang I Love You, Hater nitong Hunyo 18, Lunes ng gabi, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound.


Kris Aquino with I Love You, Hater co-stars Joshua Garcia and Julia Barretto and director Giselle Andres

Lima ang nanalo ng P10K BDO cash card.

Apat ang nanalo ng P25K GC ng National Bookstore.

Anim ang nanalo ng P25K S&R card, at isa ang nagwagi ng P50K.

Apat ang nanalo ng PLDT Home Best Buy Bundle, na P41,920 each.

Isa ang Ultheraphy (tiis-ganda) na P140K ang halaga.

Ang mga iyan pa lang ay P657,680 na ang halaga.

E, meron pang isang Macbook Air, tatlong 43” Samsung smart TV (2018 model), isang Canon camera, isang iPhone X, isang Samsung Note 8, apat na 32” Samsung smart TV plus PLDT Roku, isang set ng Nespresso products, isang cart ng products na dini-distribute locally ng Benby, at isang complete set ng Asvel products from Japan.

Mahigit P1M ang worth ng “Pasko sa Hunyo” payanig ni Kris!

Nakakalokah!

“This is just my way of saying thank you,” masayang lahad ni Kris.

“Thank you po sa inyong lahat. Thank you, Star Cinema, for this opportunity.

“Thank you to Josh [Garcia] and to Julia [Barretto], and of course, Direk Giselle [Andres]. I love you... I’ll pirate you. Ha! Ha! Ha!

“And thank you sa inyong lahat. I hope nag-enjoy kayo. And promise ko naman, walang uuwi na hindi happy.

“Because I want to make it Christmas in June. Thank you and love love love to all of you.”

Walang umuwing luhaan dahil sandamukal ang loot bags na pabaon ni Kris para sa showbiz press, bloggers, at fans na dumalo sa presscon.

Sa Hunyo 11 ipapalabas ang I Love You, Hate, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Star Cinema.

NOEL FERRER: Yes, I saw the presscon sa FB Livea ng Star Cinema.

While Josh and Julie are there with the director,it was mostly about Kris—until the end na raffle.

I hope it really benefits the movie.

Tumodo na kasi ng Pamasko!

Good luck!

GORGY RULA: Dati naman nang ginagawa ni Kris iyan. Mas pasabog lang ngayon dahil sa pagbabalik niya uli sa Kapamilya network.

Curious lang ako kung kanino kaya ang credit pag mag-hit ang pelikula? Sa JoshLia o kay Kris?

Kasi kung mag flop ito, tiyak kay Kris ang sisi.

Pero maganda ang trailer at kayang-kayang paingayin ito ni Kris.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN