Marian Rivera, nagpasiklab sa direktor niyang si Dingdong Dantes

by PEP Troika
Jun 19, 2018

GORGY RULA: “Ah, basta!” lang ang sagot ni Marian Rivera sa tanong namin kung gaano kahalaga ang El Nido, Palawan kung saan nila isinelebreyt ang Father’s Day kamakailan lang.


Sa isang post ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account, sinabi niyang, “May kakaibang ukit talaga ang islang ito sa kwento naming mag-asawa.

Continue reading below ↓

"Sabi namin, balang araw, kailangang makarating din dito si Letizia.

"Kaya’t heto na siya, asim na asim sa sikat ng araw, at may bitbit pang Babi-Yaw (manika niya)."

Pinilit namin si Marian kung ano nga ba ang konek ng El Nido sa kanilang pagsasama, at tumatawa lang itong iniiwas niya ang mga sagot.

“Masaya lang kami na nakapunta kami dun. Sabi ng asawa ko, bahala na raw kayo mag-isip.

"After the wedding kasi pumunta kami dun. Itong asawa ko kasi kung anu-anong pinagpu-post," sabi niya.

Bandang huli ay binanggit din ni Marian na nag-tape sila roon ng ilang eksena sa Dyesebel. Kaya in-assume na lang naming doon nga nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Excited din si Marian sa muling pagsasama nilang mag-asawa sa trabaho.

Hindi sila magka-partner, kundi si Dingdong ang nagdirek sa kanya sa anniversary episode ng drama anthology na Tadhana.

Nangako kasi si Marian sa Team Tadhana na pagtuntong ng one year ng naturang drama anthology, siya na ang aarte sa isang episode.

Continue reading below ↓

Pero nag-request ang taga-Tadhana na kung puwede ay kasama niya si Dingdong.

Pero naisip ng Kapuso Primetime King na mas mabuting siya na ang magdirek.

Ayaw pa nga raw sana ni Marian dahil parang hindi siya kumportableng idinidirek siya ng kanyang asawa.

“Nung una, ayoko talaga, kasi parang ang weird ng feeling na asawa ko siya, na naka-partner ko siya, 'tapos ididirek niya ako.

“'Tapos tinatakot pa niya ako na, ‘Magkakaalaman tayo mamaya. Makikita ko kung ano yung acting mo.' Nagpasiklab ako!” natatawang pahayag ni Marian.

Pag-uwi nila galing taping, pinuri naman daw siya ng asawa sa magandang performance niya sa naturang episode.

Mapapanood ang espesyal na episode ng Tadhana sa darating na Sabado, June 23.

JERRY OLEA: Congrats sa 1st anniversary ng Tadhana.

Itinadhana sa isa’t isa ang DongYan kaya kaabang-abang ang kanilang collaboration.

Nawa’y mag-rate nang bonggang-bongga ang episode na ito.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Congratulations sa Tadhana!

Excited akong panoorin kung ano ang kalalabasan ng episode na idinerek ni Dingdong at ang performance ng asawa niyang host na si Marian.

Ang tanong, ano ngayon ang mas successful sa parehong timeslot: ang Tadhana ni Marian o ang Karelasyon ni Carla Abellana?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results