Mestisang aktres, kinatatakutan ang mapaglarong kamay

by PEP Troika
Jun 20, 2018

JERRY OLEA: Keribels i-remake ng mestisang aktres ang horror movie na Kamay ni Gilda (1981), na pinagbidahan ni Melanie Marquez.

Kinatatakutan kasi ng mga katrabaho ni mestisang aktres ang mapaglarong kamay niya.

Naging biktima ng kamay ni mestisang aktres ang co-star niya sa TV show na kikay young star.

Isang gabi, tuliro si kikay young star sa paghahanap ng kanyang paboritong belt sa dressing room.

Super-halungkat si kikay young star sa mga gamit niya at sa kapaligiran, ngunit waley ang belt na naghatid sa kanya ng suwerte.

Makalipas ang ilang araw, nagimbal si kikay young actress nang masilayan niya ang mahiwagang belt (now you see it, now you don’t) na suot ni mestisang aktres.

Aabug-abog ang dibdib ni kikay young star, at sa loob-loob niya, “Akin ang belt na yun! Akin!”

Ang palatandaan ni kikay young star, maluwag sa kanya ang belt kaya may isang butas iyon na binutas sa tulong ng pako.

Continue reading below ↓

Nalaman na lang ni kikay young star na ang iba nilang kasamahan ay nawalan ng lipstick, eyeliner, coin purse, foundation, moisturizer, cologne, suklay, at kung anu-ano pa.

Iisa ang kanilang suspek... ang kahindik-hindik na kamay ni mestisang aktres.

NOEL FERRER: Naganap iyan noong panahong magkasama pa ang mestisa at kikay na young actress sa iisang show.

Mayroon pang naganap na pagkawala ng cell phone ng kasamahan ng mestisang aktres, at siya rin ang napagbintangan.

Fast forward, pati ba naman asawa ng may asawa ay siya rin ang pinagbintangang nang-agaw? True ba ito?

GORGY RULA: Nakakaawa ka kapag may ganun ka nang reputasyon.

Isipin mo, ang tagal na ng ganung insidente, bumabalik-balik pa rin at iyan ang isa sa naaalala sa iyo.

Ang ganda pa naman ng aktres na ito at lalong gumaganda ang career.

Isa sa mga araw na ito, susubukan ko talagang itanong ito sa kanya para naman madepensahan ang sarili niya sa isyung ito.

Continue reading below ↓

Kasi, baka mamaya, hindi naman totoo 'tapos kalat na kalat nang may ganun kang ginawa.

Abangan ko na lang ang tamang moment na itanong ito sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results