Mayor Lani Mercado, ayaw magsalita tungkol sa breakup nina Jolo at Jodi

GORGY RULA: Nagpasalamat si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla na maganda ang panahon at hindi inulan ang pagbubukas ng 1st Bacoor International Music Championships 2018 na ginanap sa Quirino Grandstand kaninang umaga, June 22.


Dumalo ang participants mula sa ibang bansa kagaya ng Japan, Indonesia, Thailand, Malaysia, Hong Kong, at China.

First time na ginawa rito sa Pilipinas ang International Marching Band Competition na talagang sinuportahan daw ng marching community ng Asia.

“Nakakatuwa ang kanilang suporta, na ang iba nga nag-charter pa ng eroplano para makasakay lahat na mga participants. Gusto raw kasi nilang salihan ang lahat na category,” pakli ni Mayor Lani.

Ang malaking event na ito ay bahagi rin daw ng selebrasyon ng 6th anniversary ng Cityhood ng Bacoor.

Gusto lang daw nilang ipakita sa buong mundo na ang lungsod ng Bacoor ang kinikilalang Marching Band Capital of the Philippines.

Dito sa naturang event ay hindi naiwasang itanong kay Mayor Lani ang tungkol sa breakup ng anak niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ng aktres na si Jodi Sta. Maria.


Aware siya sa naturang balita, pero wala raw siya sa posisyong magsalita tungkol dito.

“Wala po akong masasabi. Wala po akong ikukumpirma.

“Mabuti sila na ang tanungin nyo. Matatanda na po sila,” safe na sagot ng alkalde ng Bacoor.

Ang nakakatuwa lang daw kay Jolo, sobrang inspired ito ngayong gumawa ng kanta.

Ang pagiging lyricist raw ang kinahihiligan ngayon ng kanyang anak.

Ayon kay Mayor Lani, “Marami siyang tula na nagagawa. Maraming hugot, maraming inspirasyon.

"Hindi ko alam kung saan nanggagaling ito.

“Nagugulat ako sa mga ginagawa niya. Hindi ko na mabilang.

“Kapag may natapos siya, pinaparinig niya sa akin.

“May ni-record na siya na isang awitin. Hindi ko alam kung magiging album ito.”

Sabi pa niya, “Mukhang lahat ng mga talent niya, lumalabas ngayon, hindi lang sa pag-arte, hindi lamang po sa paggawa ng soap, hindi lang sa public service.

“Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang bago niyang inspirasyon.”

Bukas, June 23, sa Bacoor magpi-perform ang lahat ng marching bands na kasali.

Sa Linggo, June 24, sa SM MOA Arena naman daw magpi-perform ang finalists at doon na rin ang awarding ceremony.

Ang tatanghaling champion na marching band ay gagawaran ng Presidential trophy mula kay President Rodrigo Duterte.

JERRY OLEA: Bahagi ng kulturang Pinoy ang mga bandang nagmamartsa, lalo na kung fiesta o espesyal na okasyon.

Siyempre pa, mas bongga ang libing, prusisyon o Santacruzan kung may marching band.

Kaya natutuwa tayo na may ganitong pakulo ang lungsod ng Bacoor.

Hangad natin ang tagumpay nito!

NOEL FERRER: Bilib din ako kay Lani at tuluy-tuloy ang pagtatrabaho bilang Lingkod Bayan sa Cavite, kahit na nasasangkot na naman ang asawang si Senator Bong Revilla sa isyung paglabag ng ruling na dapat walang electronic gadget sa PNP Custodial Center.

Sunud-sunod ang pagsubok sa pamilyang ito. Paano nila kaya ito nakakayanang harapin?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN